PILYO 14

10.8K 143 18
                                    

"La saan po papunta si Andeng?" tanong ko kay Luveydubs dahil kakaalis lang nito sakay sa kotse ni Timothy at naka-formal dress ang mga ito. Naka-suot ng apple green na dress si Andeng samantalang si lumpiang hito ay naka-amerikana.

"Mag-aattend ata ng kasal" hindi din sigurado si Lola sa tono nito.

"Saan po?" dagdag ko

"Iyan ang hindi ko alam" hayun lang sinabi ni Lola at tumalikod na ito para ipagpatuloy ang pagluluto. Isip-isip ng kaunti at voila! Friday pala ngayon. Dinial ko ang numero ni Jhax.

"Oh Bro napatawag ka!" masiyahing bati ni Jhax

"Bro saan ang destinasyon natin ngayong araw?" friday party kasi ngayon. Natahimik ng saglit si Jhax.

"Ah-eh sigurado ka bang sasama ka ulit eh napasabak ka nung huling biyernes di ba?" bakas ang pag-aalala kay Jhax

"Alam ko yun kaya may proposal ako!" eto na! Plan execution!

"Sige bro pagbibigyan ka namin ngayon"

"Sabihin mo kay Port na isuot ang amerikana niya and we will meet at the church!"

"Aye aye!" napangisi na naman ako at pagkatapos nun ay naghanda na ako. We have a wedding to crash! Syempre nagpagwapo ako ng todo. Perfect suit with a perfect smile tapos nagtricycle lang papunta sa church. Perfect!

*****

"Bro so sino ba ang ikakasal?" tanong ni Port na bakas sa mukha na hindi komportable sa suot. Paano ba naman kasi karamihan ng nasa loob ng simbahan eh semi-casual ang damit at ang tanging naka-formal eh yung bride at groom kasama yung mga bridesmaid at groomsmen. In short napapalingon lahat ng tao sa amin dahil iniisip siguro ng mga ito na kasali kami sa entourage.

"Hindi ko rin alam" mahina kong bulong habang naasiwa na rin ako sa mga matang nakatingin sa amin. Nakita ko nga si Andeng na isa sa mga bridesmaid at kapartner niya yung lumpiang hito.

"What! Ibig mong sabihin eh wedding crashers tayo!" pinanlakihan ako ng mata ni Jhax ngunit nakangiti ito.

"Oo" sagot ko ulit na palingon-lingon pa rin

"That's the best thing you've done bro!" at tinapik pa ako nito. Liningon ko siya at halatang naeexcite ito sa gagawin namin. Umiling-iling naman si Port.

"So will we cause some trouble here?" walang kabuhay-buhay na tanong ni Port.

"No!" madiin kong sagot "kailangan lang nating bantayan yung hilaw na lumpiang hito na pinaglihi sa unggoy na yun!" sabay nguso kay Timothy

"Siya ba ang babantayan o si Keandra?" lokong ngisi ni Port.

"Just be silent for a while dapat hindi malaman ni Andeng na nandito tayo" utos ko at yumuko na kaming tatlo ng kaunti sa wooden stool

"Bro" bulong ni Jhax at tumingin kaming dalawa ni Port sa kanya "alam mo ba kung saan yung reception venue?"

"Tanungin mo sa katabi mo" bulong ko. Napatingin naman kami sa matandang babae na katabi namin. Nagtuturuan pa kaming tatlo gamit ang nguso kung sino ang kakausap dito ngunit sa huli dahil si Jhax ang malapit dito ay siya na ang kumausap.

"Ah Ale" mahinang sabi ni Jhax at liningon naman siya ng matanda. Patay! kamukha ni Bella Flores! Ang sungit ng kilay. Tinaasan nito ng kilay si Jhax. Napalunok na rin ako sa tensyon.

"Ah-eh wala" sabi ni Jhax sabay tingin ulit sa aming dalawa ni Port "Bro di ko kayang kausapin, takot ako" bulong ni Jhax. Tinulak ulit namin na kausapin niya ulit.

"Ah Ale" second try ni Jhax at mas lalo namang tinarayan siya nung matanda "Ah-eh kasi di namin alam yung reception area saan po ba yun?" nauutal na tanong ni Jhax at pati ako pinagpawisan sa kaba. Bigla namang ngumiti 

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon