PILYO 23

8.8K 96 3
                                    

"Anong susunod?" tanong ko kina Jhax

"Alam mo ba na nung panahon ng mga lolo't lola natin ang paraan ng panliligaw nila ay ang pagpapa-alila" sagot ni Jhax, anong koneksyon nun sa tanong ko?

"Ngayon?"

"Magiging alila ka ni Keandra sa araw na ito!" with matching shaking hands pa yan, maya't maya ay dumating na si Port na may dala-dalang malaking costume, kulay yellow tapos iisa lang yung mata. Kung hindi ako nagkakamali ay minions ang tawag sa kanila sa isang pelikula.

"A-ano yan?" tinuro ko yung costume

"Magiging maskot ka" sagot ni Port pagkatapos niyang ilapag yung costume

"Kailangan pa ba yan?"

"Bro, kailangan magmukha kang kawawa para maawa siya sa iyo, mas effective di ba?" suhol ni Jhax na inakbayan pa ako, hindi ko alam kung maniniwala ako sa dalawang bugok na ito o gusto lang nila akong pahirapan.

"Di ba mainit yan?"

"Don't worry ginawan ko yan ng ventilation sa loob kaya hindi yan mainit pero syempre sikreto natin yun kay Keandra para akalain niya ay naiinitan ka sa loob" explain ni Jhax

"Maganda yan!" kaya sinuot ko na yung minion costume. Tama nga si Jhax na hindi siya mainit yun nga lang at medyo mabigat siya at mahirap makagalaw.

"Okay ka pa ba diyan sa loob?" narinig kong tanong ni Jhax

"Bladabladabla" teka bakit ganun yung lumabas na sagot ko? Ang sabi ko okay lang pero narinig ko eh boses ng mga minions na rin. Tumatawa lang sina Jhax at Port

"Blababladablablabla" Ang sabi ko eh anong ginawa niyo? Tawa lang ulit ng tawa yung dalawa

"Babadablabladabladabla" sabi ko pinagtritripan niyo ba ako. Halos humiga na sa sahig yung dalawa sa kakatawa. Ngayon ay alam ko ng sinadya nila na gawin yung boses kong ganito. Sinipa ko nga yung dalawa.

"Aray ko!" reklamo nila pero hindi pa rin sila tumigil sa kakatawa

"Wow! Ang cute!" narinig ko ang nakakainis na boses ni Mina kaya lumingon ako at buti na lang kasama niya si Andeng na mukhang natutuwa din sa costume ko

"Keandra, si Rhino pala yan at sabi niya magiging alila mo siya for the whole day" sambit ni Jhax

"Bladlababadla?" sabi ko the whole day? Pinilit nila Jhax na hindi tumawa

"Wow! boses tanga din pala yung costume!" hinimas-himas ni Mina yung costume. Pwede na bang manipa ng babae? Sinabi ba namang boses akong tanga!

"Hindi ba mainit yan?" tanong ni Andeng na bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Natuwa naman ako sa nakita ko.

"Ewan" sagot lang nung dalawa at maya't maya'y iniwan na ako nila kina Andeng.

"Rhino okay ka lang ba diyan?" tumango na lang ako since ayaw kong masabihan na boses tanga ako

"Sigurado ka?" tanong niya ulit at tumango na naman ako. Pagkatapos nun ay nasa tabi lang ako ni Andeng palagi. Tinutulungan siya na magbuhat ng kung ano-ano ngunit nahalata ko rin na hindi niya ako masyadong pinapahirapan lalot na't hindi ako masyadong makagalaw. Ang pinakamahirap na siguro ay nang makita ako ng mga bata at halos i-wrestling ako sa panggigil sa akin. Syempre tinulungan ako ni Andeng na ipaliwanag sa kanila na ako yung nasa costume. Natapos na ang tanghalian nang mapansin kong pagod na pagod na ako kaya napaupo na lang ako sa isang sulok. Sinundan naman ako ni Andeng at napaupo din siya sa tabi ko.

"Seryoso ka talaga sa panliligaw?" tanong niya

"Bladabladadababababadabla" sinabi ko eh syempre dahil iba ka. Napangiti na rin si Andeng sa minion voice ko. Naisip ko din na may magandang pagkakagamitan din ng minion voice dahil hindi ako natotorpe sa anumang sasabihin ko dahil hindi din naman maiintindihan ni Andeng yung mga personal na message ko.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now