PILYO 5

15.3K 211 19
                                    

Pag-uwi sa bahay...

"Nandito na po ako La!" minasa-masahe ko balikat ko sabay ikot ng neck. Si Tita Analyn talaga wagas mag-utos tapos gusto pa ni Mama na magkatuluyan kami ni Andeng. Di ang labas ko kapag sakaling kami nagkatuluyan ni Andeng eh utusan ng biyanan? Ayoko nga!

"Sya sya maligo ka na at umaalingasaw ang baho mo!" pagtataboy naman ni Lola. Ayoko ngang maligo muna. Hinug ko si Lola sabay kiss sa cheeks niya "I love you Loveydubs!" panlalambing ko sa kanya tsaka niya naman ako pinagpapalo para maitaboy sa banyo. Umiwas naman ako nang may narinig akong tawanan na nanggaling sa kabilang bakod, in short bahay nila Andeng.

Linapitan ko yung bakod, dinikit ko nga yung tenga ko. May boses ng lalake! At english speaking ang mokong.

"Aba si Andeng wala pang isang linggo nagpapaligaw na? huh!" umismid ako sabay lingon-lingon sa paligid. Napako naman yung tingin ko sa puno ng mangga namin. Medyo mababa lang ang mga sanga nito. Sinimulan ko ng umakyat ngunit weakness ko talaga ang pag-akyat kaya hindi pwede ang career na akyat bahay sa akin.

Mababa na nga mga sanga nito ay nahihirapan pa rin akong umakyat. Napahawak ako sa isang sanga sabay kawit ng leeg ko dito para hindi ako dumausdos.

"So you're staying here for good?" nakangiting tanong nung maputing lalake. Parang Amerikano ito to be exact half siguro. 

"Mas guwapo naman ako diyan!" linaro-laro ko ang labi ko na parang gustong manuntok.

"Rhino! anong ginagawa mo diyan!" biglang sigaw ni Lola. Napatingin naman sa akin si Andeng at yung lalake tapos nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni Andeng. BInaba ko na yung leeg ko pero nakasabit pa rin yung mga kamay ko sa sanga.

"Ah-eh PULL-ups po!" linakasan ko nga para marinig ni Andeng yung rason ko tapos hinila ko pataas pababa yung katawan ko sa sanga.

"hanggang sa bahay ba naman ay nagwowork-out ka?" kumunot ang noo ni Lola. Bumaba na ako sa sanga tapos hinug ko ulit siya.

"Ayaw niyo bang may hot kayong apo?" pambobola ko dito

"Hot-hot mo mukha mo!" sigaw nito na aakma pang babatukan ako pero agad ko namang sinangga yung kamay niya "Syanga pala magpost ka daw ng pictures kasama ng pamilya nina Tita Analyn mo sa facebook sabi ng Mama mo"

"Huh? Picture?" pinag-cross ko kilay ko

"Oo!"

"Gabi na kaya La, bukas na lang huh?" tinapik-tapik ko si Lola sabay pasok sa magulo kong kuwarto. Oo magulo nga ang kuwarto ng lalake. Huwag na kayong mag-ilusyon na aayos pa kuwarto namin maliban na lang kung may mag-aayos nito.

Binuksan ko na si Anabeth (yung desktop) tapos log-in sa facebook at agad kong pinuntahan ang profile ni Mama para magreklamo sana nang may nakita akong picture ng isang pamilyar na bata. Si Keandra ang nag-tag ng picture. Pinagmasdan ko yung dugyutin at uhuging bata sa picture. Ako yan huh?!

Tinignan ko pa yung mga ibang pictures. Meron pa yung picture ko na wala akong salawal at kitang-kita yung tiny little pet ko. nanlaki yung mata ko lalo na nung nakita ko comment ni mama.

"May progress na kaya yung pet ng anak ko? hahahaha"

nag comment back naman si Andeng "I wish Tita" yun yung nakalagay. Tinignan ko kung kelan nila ako pinagpiyestahan. Kahapon pa?! Iba talaga kapag hindi ka palaging nagchecheck ng facebook.

Nagkulo yung dugo ko! Di ko pwedeng palagpasin ito.

Pumunta ako sa salas sabay bukas ng stereo at plinug ko yung microphone. Linagay ko sa full volume.

"Hoy! Andeng kung naririnig mo ako ngayon!" bulyaw ko sabay hinga ng malalim "May progreso na ang pet ko! " sigaw ko sabay patay tapos patakbo akong sumugod sa bahay nila. Panay nga ang hinga ko ng malalim ng tumigil ako sa kinauupuan ni Andeng at yung hilaw niyang bisita.

Parang nang-aasar yung mukha niya. Nagalit na naman ako.

"Who give you those pictures?" galit kong tanong. Ngumisi naman siya sabay inom ng juice.

"Tita gave me those long years ago bago kami umalis. Remembrance ko daw sa iyo" nakangiti ito

"Ibalik mo!" sigaw ko

"Ayoko nga" tinaas nito ang kilay

"Ayaw mo huh? sige...bahala ka! reresbak ako!" sigaw ko sabay alis na at bumalik na sa bahay.

"Lola pakilabas po lahat ng Photo Album!" sigaw ko kay Lola. Nataranta naman itong lumabas na nagtataka.

"bakit apo? sasali ka rin na ba sa trend ng throwback thursday?" tanong nito

"Throw-throwback Thursday?" tanong ko. Ano yun?

Umiling-iling si Lola sabay lapit sa akin "Throwback Thursday! kapag thrusday panay ng post ng mga pictures sa FB ng mga old pictures or basta yung may sentimental value" pangangaral ni Lola. Natulala na lang ako. Ganun na ba kaadik si Lola sa facebook at mas nauunahan na niya ako  sa mga uso?

PILYO (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora