PILYO 10

11.8K 157 15
                                    

"Anong kalokohan ito!" bulyaw ko sa dalawang kaibigan ko. Paano ba naman nasa tapat kami ng bahay nila Andeng at naka-setup na rin ang amplifier at microphone kasama ang guitara.

"Dito tayo mang-haharana?" dugtong ko samantalang nakangisi lang ang dalawa "May gusto ka ba kay Andeng, Port?" tinitigan ko ng masama si Port at ngumiti na naman ito.

"Wala bang sasagot sa inyo?!" sigaw ko ngunit naghagikgikan lang ang dalawa.

"Anong gagawin niyo kuya?" napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Rina takang-taka ang itsura nito. Patay! Ano na lang iisipin ng kapit-bahay namin? Na liniligawan ko si Andeng? Inirapan ko nga yung dalawang mokong pero nag-pretend lang sila na hindi nila nakita ang matatalim kong tingin "Wala Rina, pasok ka na" pangtataboy ko

"Ayaw ko nga! hmmmppp... Manghaharana ka kay Ate Andeng eh kailangan kong i-record tapos  ipapadala ko kay Mama para bigyan niya ako ng allowance!" tsaka niya linabas ang cellphone niya. Umiling na lang ako. Masyado ng mukhang pera na rin ito.

"Jhax ikaw ng kumanta at ako ang mag-gigitara" pinilit kong ibigay kay Jhax ang mikropono kaso tinititigan niya lang ito.

"Hindi ako marunong kumanta eh, ikaw na lang!" ngumisi ulit ito at nakita ko ulit na humagikgik si Port. Masama talaga ang tingin ko sa motibo ng dalawang ito. Lumapit na si Port at tinulak na akong paharap.

"Sige! kantahin mo na yung Harana!" pang-uutos nito at wala na nga akong nagawa at sinimulan ko ng mag-plucking sa gitara.

     Uso pa ba ang harana,

     Marahil ikaw ay nagtataka

     Sino ba itong mukhang gago

     Nagkandarapa sa pagkanta

Tumingin ako sa paligid at nagsimula na ngang naglabasan ang mga kapit-bahay namin. Nagsimula na akong manginig lalo na ng nakita kong bumukas ang pinto ng bahay nila Tita Analyn at sabay na naglabasan sina Tita kasama si Andeng at si Bug. Napahawak pa nga sa bunganga si Tita Analyn nung nakita nito na ako ang kumakanta. bahala na! Basta i-explain ko na lang na hindi naman ako yung umaakyat ng ligaw kundi si Port.

     At nasisintunado sa kaba... (Oo kinakabahan na nga ako)

     Mayron pang dalang mga rosas

     Suot nama'y maong na kupas

     At nariyan pa ang barkada... (Narinig kung pumito ang mga mokong)

      Naka-porma naka-barong

     Sa awiting daig pa ang minus one at sing along

Patay! naglakad na papunta sa gate si Tita Analyn kasama na ang gulat na gulat na si Andeng. Tinuloy ko na lang ang pagkanta at sa kalagitnaan ng aking pagkanta ewan ko ba kung bakit napako na lang ang tingin ko kay Andeng. Hindi ko nga maalala kung ngumiti din ba ako habang kumakanta. Hilig ko talaga kasi ang pagkanta at minsan kapag feel na feel ko ang kanta ay para bang di ko na namamalayan ang sarili ko.

     Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin

     Sa iyong tingin ako'y nababaliw giliw

     At sa awiting kong ito

     Sanay maibigan mo

     Binubuhos ko ang buong puso ko

     Sa isang munting harana...para sa'yo

At natapos ko din ang kanta. Nagsigawan naman ang mga kapit-bahay namin.

"Hijo what's the meaning of these?" tanong ni Tita na ang laki-laki ng pagkakangiti.

Lumingon naman ako kay Port sabay tinuro siya "Yung ka-" hindi ko na natuloy yung sasabihin kasi sumagot na yung dalawang mokong

"Umaakyat po ng ligaw si Rhino sa anak niyo po!" sabay na sabi ng dalawa

Tumango naman ako "Opo tita" teka, sino na nga yung aakyat ng ligaw? Rhino? Ako yun huh! Nanlaki ang mata ko at lumingon sa dalawang mokong. Kinindatan ako ni Port at parang demonyo naman ang ngiti ni Jhax. Yari tayo!

Lumingon ulit ako kina Tita. Gulat na gulat si Tita na napahawak ulit sa bibig niya at ganun din si Andeng na kasalukuyan akong iniirapan.

"Ti-tita that's not true Tita" nauutal kong depensa

"Wait hijo, I'll just call your mom and let her know about you making ligaw to my daughter kyaaaa!" hayun at tumakbo na papasok si Tita. Umiling-iling naman si Bug at linapitan ako habang pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko.

"Good luck brother in law" nang-aasar ang tono nito at tumalikod na rin ito. Bro-brother in law? Tinignan ko si Andeng at galit itong lumapit sa akin at hinablot ang braso ko sabay hatak sa akin papasok ng bahay nila. Narinig ko pa nga ang tilian ng buong madla habang hatak-hatak ako ni Andeng papunta sa porch nila.

"Andeng let me explain" agad akong nagsimulang magsalita. 

"Okay now explain what kind of prank are you playing right now" she folded her hands at medyo natigilan ako dahil mukhang hindi natutuwa si Andeng.

"Ah-kasi" parang nahirapan akong magsimula na mag-explain kasi pati naman ako ay walang kamalay-malay sa balak ng dalawang mokong na iyon.

"What?! Hindi ka magsasalita?!" sigaw ni Andeng

Nataranta naman ako "Saglit lang kasi at medyo mahaba ang kuwento" napakamot ako sa noo ko

"Okay just answer my question. Hinaharana mo nga ba ako?" tinignan niya ako ng masama

"Hindi!" dali-dali ko namang sagot at mukhang mas lalo atang nagalit ito dahil nakita kong kinuyom nito ang palad niya.

"Then why are you playing this kind of prank on me?!" sigaw niya

"Wait-wait! Wala din akong malay na ganito ang mangyayari!" napasigaw na rin ako. Eh totoo naman kasing biktima din lang ako

"Stop being childish!" sigaw niya. Ano? Ako childish? namimihasa na ito.

"You're not listening to my explanation!" bulyaw ko

"There's no need!" Iiling-iling ito. 

"Fine!" sigaw ko ulit at aalis na sana ako "One more thing!" dugtong ni Andeng. Hinarap ko ulit siya.

"From now on, let's pretend not to know each other" seryosong sabi nito. 

Nagkibit-balikat nga rin ako "Sino ka na nga ulit?" I smirk at nakita kong halos lumabas ang usok sa ilong nito.

"Teka Mare may LQ ata sila" napatingin ako kay Tita na nakatayo sa may pintuan habang hawak-hawak niya ang cellphone niya. Nagniningning ang mga mata nito na nakatingin sa aming dalawa.

"Ma!" sigaw ni Andeng habang nilakihan lang ni Tita ang mata niya sabay hagikgik.

"Mauna na po ako Tita" mahina kong pagpapa-alam at lumabas na ako. Agad naman akong sinalubong nila Jhax at Port tuwang-tuwa ang mga ito.

"Musta lover boy!" nakangisi si Jhax at inakbayan ako. Agad ko namang hinawi yung kamay niya at hindi na lang siya pinansin at pumasok na ako sa bahay. Narinig ko na lang ang sinabi ni Port kay Jhax na mukhang bad trip daw ako sa kanila. Bad trip talaga ako. Basta ngayon kailangan ko ng oras na mag-isa lang ako. No friends and No Andeng!

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now