PILYO 27

7.8K 91 7
                                    

Kung hindi ka ba naman maaasiwa sa mga klase ng tingin na binabato sa akin ni luveydubs at ni ate habang sumusobo ako ng agahan. Kapag tinitigan ko naman sila tsaka naman sila iiwas tapos kapag akala nila hindi ako tumitingin tsaka ako ulit titignan. Ganun na ba ako kagwapo sa tingin nila?

"Ano ba?" linapag ko na ang kutsara sa mesa at umiwas ng tingin na naman yung dalawa "Ano bang meron at kanina pa kayo nakatingin sa akin?" Nagkatinginan sila at parang nagtatantiyahan kung sino ba ang unang magsasalita.

"Ah...kasi apo tungkol sa nang-nangyari kagabi..." panimula ni luveydubs

"Yung nangyari kina Andeng?"

"O-Oo...tu-tungkol dun sa pagkamatay ng tatay mo-" naninibago ako sa kinikilos ni Lola. Parang natatakot siya o di kaya ay ninenerbiyos.

"Tungkol sa nakita kong duguan na mukha ni Papa?"

"Yun nga ang gustong tanungin ni Lola" singit ni Ate habang inayos niya ang kanyang pagkaka-upo

"wala lang naman yun di ba? Tutal namatay naman si Papa dahil sa cancer di ba Lola?" ngumiti si Lola ngunit parang pilit

"Aba...Oo naman" dugtong pa niya

"Kung ganun okay na ba akong kumain ulit?" tumango naman sila kaso pasulyap-sulyap pa rin yung dalawa pagkatapos nun

"Syanga pala, uuwi si Mama sa susunod na araw" mahinang sabi ni ate

"Ano?!" nagsitalsikan na ang kung ano-ano sa mga mukha nila

"ewww! kadiri ka!" tili ni ate na dali-daling pinunasan ang kanin sa mukha

"Bakit bigla-bigla?" Iniisip ko tuloy kung saan ako makikitira at sigurado akong wala na akong kuwartong tutuluyan

"Tanungin mo na lang siya pag-uwi niya" nakasimangot na sagot ni ate. Kung minamalas ka nga naman, mukhang mabubulabog pa lalo ang tahimik kong buhay. Iniisip ko lang ang tili at panunukso ni mama parang nahihiya na ako. Bigla ko rin naalala si Andeng, hindi man lang niya ako tinext o tinawagan simula kahapon.

"La, punta lang ako kina Andeng!" paalam ko at tumayo na ako

"Ang mga batang inlove nga naman tsktsk" bitter lang si Lola at tumulak na ako papunta sa bahay nila Andeng. Sinalubong ako ni Tita at agad na sinabi sa akin na nasa kusina daw si Andeng at kasalukuyang may bina-bake.

Pumuwesto na ako sa likuran niya habang abala siya sa paghahalo ng mga ingredients "Anong gagawin mo?" tanong ko na kinabigla niya

"Sus! Ginoo" napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan natuon ang tingin ko. Nakasuot lang siya ng sando at short shorts. Napako na ako sa hubog ng kanyang katawan sabay lunok. Bakit ba biglang uminit eh maaga pa naman. Siguro dahil sa init ng oven ito. Ginawa kong pamaypay ang damit ko.

"Whew! A-anong linuluto mo?" binaling ko ang atensyon ko sa ginagawa niya.

"Brownies" mahina niyang sagot

"Hindi ba yan nakamamatay?" biro ko ngunit hindi siya sumagot. Ayaw ko na sanang tumingin sa kanya at nagkakasala lang ako kaso dahil hindi siya sumagot kailangan kong makita kung may problema siya. Bakas sa mukha niya ang pagkabahala, pagkabahala sa presensya ko? Ano bang problema nito?

"May kasalanan ka ba sa akin?" tanong ko, umiling naman siya "Nanlalalake ka ba?" agad naman niya akong inirapan sabay tinulak ako ng marahan para mailagay niya sa loob ng oven yung isang tray ng brownies

"Kung ganun anong problema mo?" bumuntong-hininga si Andeng at naglakad papunta sa isang cabinet para ilabas ang isa pang tray

"May kausap ba ako?" tanong ko ulit ngunit linagpasan lang ulit niya ako. That's it! Ayoko ng hindi ako pinapansin "If tungkol sa nangyari kahapon, wala kang kasalanan doon" mukhang nasapul ko naman ang dinadrama ni Andeng dahil parang iiyak na siya dun sa sinabi ko

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon