PILYO 19

9.3K 123 11
                                    

Excited naman ako na magpunta sa bahay nila Andeng, hindi nga ako mapakali habang hinihintay yung oras na sinabi niyang pupunta ako sa bahay nila. So in the meantime eh nagpagwapo muna ako ng todo. Nag-ayos ng buhok at pinaliguan ang sarili ng pabango. Pagkatapos nun ay kinuha ko na ang backpack ko tsaka ako nagpunta sa bahay nila Andeng.

"Saan ka pupunta Diego? Go Diego go!" pang-asar ng kapitbahay namin

"Diyan lang kina Tita Analyn" nakangiti kong sagot at pinagpatuloy ko na ang paglalakad

"Nasa kuwarto na sila" turo sa akin ni Tita. Medyo nagtaka lang ako na sila ang binaggit ni Tita pero hindi ko na masyadong inisip yun at umakyat na ako papunta sa kuwarto ni Andeng. Kulay green yung pintuan ng kuwarto ni Andeng at kung may ano-anong burloloy pa ito. Kumatok na ako ng dalawang beses at ilang saglit lang ay binuksan na ni Andeng ang pintuan. Ang tamis nga ng pagkaka-smile niya sa akin kaya naman parang natulala ako ng ilang segundo sa tapat ng pinto. Feeling ko tuloy parang kulay pink ang paligid at may kumukislap kislap pang mga bituin.

"Hoy!" kinaway-kaway ni Andeng yung kamay niya sa mukha ko kaya nagising na rin ako "Natulala ka ba?" tanong niya

Lingon-lingon ulit sa kuwarto at ng makakita ng irarason "Yung kuwarto mo kasi" habang turo-turo kung saan

"Anong meron sa kuwarto ko?" nagkibit-balikat siya kaya naman mas lalo akong ninerbiyos

"Ahhhh...gusto ko design niya" I snap at ngayon ay si Andeng naman ang natulala at nakabukaka pa ang bibig niya "Wh-what?" nauutal na tanong ko

"Gusto mo ang girly designs ng room ko?" nanlaki yung mata niya, pinagmasdan ko ulit yung kuwarto niya at girly nga ito. Yung mga kurtina niya ay kulay pink at may lace pa. Bawat sulok ay nagsasabi na ito ay kuwarto ng babae.

"Ui...hu-huwag kang mag-isip ng kung ano-ano huh! Maton ako!" di ko na hinintay yung isasagot niya at nakayuko akong pumasok sa kuwarto niya. Lalapitan ko na sana yung nakabukas na desktop niya nang bumukas ang pinto ng c.r niya at lumabas ang isang babae. Mga kaedad namin siguro, mestisa at kahit gabi na ay may kulorete pa rin ito sa mukha. Pinandilatan niya lang ako kaya tinitigan ko rin siya. Nakita kong tumaas yung gilid ng bibig niya kaya nagkibit-balikat ako at tinitigan ko pa siya ng matalim. Hindi rin ito nagpatalo at tinaasan niya ako ng kilay. Sinusubukan ako ng babaeng ito huh. Pinakunot ko ang noo ko, pinanlisik ang mata ko at kinagat ang ibabang labi ko.

"Rhino meet Mina" magiliw na pagpuputol ni Andeng kaya napatingin ako sa kanya. Bakas ang pagtataka sa mukha ko "Hindi ko kasi nasabi sa iyo na group project yun pinapagawa ko sa iyo" Hindi sinabi o sinadya? Nadismaya tuloy ako, akala ko masosolo ko siya kaso may asungot.

"So tutulungan ko rin itong babaeng ito?" tinuro ko si Mina at tumango naman si Andeng. "I change my mind" anunsyo ko

"Huh?"

"Ayaw ko ng tulungan kayo" bata na kung bata basta naasar ako.

"Ba-bakit?"

"Hindi pala maaasahan itong lalakeng ito Keandra, tawagan na lang natin kasi si Timothy mas guwapo pa yun" maarteng suhol ni Mina kay Andeng. Nag-init kaagad ang tenga ko nung marinig ko ang pangalan ni lumpiang hito

"At ano naman ang alam sa computer nung Timothy na yun? " asar na buwelta ko dun sa Mina na yun

"Atleast guwapo, kahit hindi na niya alam kesa naman ikaw na ayaw tumulong" singhal ni Mina

"Tumigil na nga kayong dalawa" pang-aawat ni Keandra "Rhino please?" nagmakaawa si Andeng sa akin at nadala naman ako sa maamong mukha niya kaya pumayag na ako.

"Thank you! Maaasahan ka talaga" tuwang-tuwa si Andeng "Kukuha lang ako ng meryenda in the meantime be good with each other" at umalis na si Andeng, naiwan tuloy kami ni Mina sa kuwarto na kanina pa ako sinisimangutan at halos kamukha na nito si Bella Flores kung makataas ng kilay.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now