Piece of paper

11.9K 233 45
                                    


**

Inihip ko ang kapirasong papel papunta sakanya. Nasa gitna namin yung dalawa. Hindi batid si Sir na palinga-linga, kaya hindi ko magawang tumunganga. Inihip na naman niya, papunta sakin kaya hindi ako pa basta-basta. Bawal ang kalat, tangina naman ba't di niya nalang itapon ang basura.

"MAVIS PALVIN AND PRIM ZAMORA!"

Sinamaan ko siya ng tingin at bumuntong hininga. Tangina. Kahit kailan talaga pahamak 'tong pamangkin ni satanas.

"What are you doing there?" Napataas siya ng kilay at naglakad papunta samin. Tangina ka talaga, Prim. Ayaw din patalo eh. Kasalukuyan kaming nasa PE room ni Sir Colt. Dito lang kami magka-klase at sa kasamaang palad, magkatabi pa ang upoan namin. Hindi as in magkatabi pero magkatabi. Ano daw.

At ayun na nga. Nakita na ni Sir ang papel na pinagigitnaan ng upoan naming dalawa. She remained confident and chill. Putting a smirk on her face with head held high.

"What's this..." He said while opening it. Damn.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko'ng enjoy na enjoy at ngumingiti-ngiti pa! Dama ko suporta niyo mga gago.

Napaiwas ako ng tingin. Sh-t.

"So, I assume you're the first one, Mavis?" Tumingin siya sakin and smiled interestedly. Don't look at me that way.

"Yah" sagot naman ng babaeng nagpapainit... ng dugo ko.

"What does it contain, Sir?" Excited na tanong ng kaibigan ni Prim na si Mira. Ang iba naman ay parang nae-excite din. Bwisit.

"Mavis: Panget mo. Prim: Damn you. Mavis: Panget mo talaga Prim: Pag tayo na huli..." Nagiritan naman ang mga ka-klase namin dito na pinangungunahan ng mga kaibigan ko. Mga tangina talaga to. Porket wala sila dito sa part ko.

"Then... Mavis: Ano naman. Tapos di na yata nagreply si Prim. So, Mavis: Hoy pansinin mo kong loser ka. Prim: Ano ba!!! Mavis: ano. Prim: F-ck you." Tumingin si Sir kay Prim at nagtaas ng kilay. Ayaw niya ang F word. Sabi niya yun samin. Wala atang sexlife si Sir. Hindi siguro siya nafa-fck you. Haha! Pero ang Prim, tinaasan lang din ng kilay si Sir. Pati kay Sir ayaw patalo.


"Mavis: Love you"

"AHHHHHHH!!"

Nagiritan naman with matching kalabog pa mga kaibigan at kaklase namin. Mga siraulo! Kabwisit lalo. Tangina.

"Prim: oh my god i hate you so much. Mavis: Mas hate kita, wag kang ano jan." Nagtawanan naman na sila. Si Prim naman, halatang enjoy na enjoy. Eh inaasar ko lang naman siya. Kingina. Boring kase.

"Mr. Palvin & Ms. Zamora, you already know that I hate trashes inside this room. So if I caught you once again.... goodluck." Yah, kaya nga I'm blowing it towards her. Para siya ang mapagalitan. Eh puta, ibinabalik rin saakin! Panira ka talaga, Prim.

"K,"

"Yah"

We said in unison.

Tumingin ako kay Prim at inirapan niya lang ako. Dinismiss naman na kami ni Sir. Kaya dali-dali siyang tumayo at pumunta sa gawi ng mga kaibigan niya. Ako naman nakaupo lang at pinagmamasdan siya. Mas lalo akong naasar sa kaartehan niya. Arte arte. Panget naman. Pwe

"BRO, ano na! Hahaha!"

"Sweet-sweet mo talaga kahit kelan kay Prim!" Ayan na naman sila. Tumayo nalang ako at naglakad na. Magbibihis na 'ko ng uniform. Naka PE kasi kami. Nakasunod lang sila. Eh ang kaso, palabas na rin sina Prim at ang mga alagad niya. Napahinto pa kaming pareho pero siyempre, it's Prim. Kaya inunahan niya 'ko. Napabuntong hininga nalang ako. Nakakasawa din pala laging mang-asar. Walang bago.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now