Saga

4.2K 180 83
                                    



**

"HOW are you Direk, Mav? The premiere night is so successful, dinumog talaga ng mga fans! Ano masasabi mo?" Tanong saakin ng reporter galing sa network namin.

"Siyempre, masaya at thankful. Hindi naman magiging ganito ka successful kung 'di dahil sa fans ng LeyThan at tsaka na rin sa mga tumatangkilik sa mga pelikula natin." Sagot ko na mayroong ngiti sa labi. Palinga-linga rin ako sa kaliwa't kanan dahil humiwalay sakin si Prim. Miss ko na agad.

"Congratulations on this one, Direk. Mayroon ho ba kayong upcoming movie na nakasunod dito?"

"Sa ngayon, may ino-offer sakin pero pag-iisipan ko pa kasi may kailangan pa akong asikasuhin." Napangiti nalang ako bigla nang maalala kung ano 'yong aasikasuhin ko.

"Direk," Salita naman ng isang reporter pa. "Aware ho ba kayo na pinangalanan na kayong Hottest Director?" Muntik naman akong sumemplang sa narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong.

Sa ekspresyon ko palang, nasagot na ang tanong. "Ha?! Sino ba nagsabi niyan? Hindi, hindi, ko alam 'yon ah. Hahaha!"

"Hindi po ba kayo ma-social media? Marami ho kasing pictures niyo ang kumalat. At marami rin hong nagco-comment tungkol sainyo."

"Ay hindi ko po talaga alam. Masyado rin ho akong busy, maraming kailangang gawin kaya hindi ko na minsan nache-check yung mga nagmemessage sakin sa twitter—naka public naman yung account ko doon. Hindi lang talaga ako matingin ng mga tweets." Pagpapaliwanag ko kung bakit 'di ko alam. Bakit may ganon? May ganon pala?

"Direk, ito nalang po. May girlfriend na po ba kayo? May nakapagsabi ho kasi na dinedate niyo raw ang isang artistang nagngangalang Ashley De Guzman, totoo po ba 'to?"

"Hindi po 'yon totoo. Alam naman po natin na nagte-take si Ashley ng AB FILM at may report po siyang kailangang ipasa at kailangan niyang mag-interview ng mga directors at isa ako sa napili niya." Kalma kong pagpapaliwanag. 'Yon rin ang time na magkasama si Aki at si Prim.

"Wala ho kayong girlfriend ngayon?" Napangiti agad ako. Tangina. Ganito ba talaga kiligin ang mga lalake?

"Direk, meron po!?" Nagtawanan naman ang iba, lalo na 'ko. "Opo, opo, meron po."

"Awwww,"

"Sino po ang girlfriend niyo maaari po ba naming malaman?"

"Sure," Tumingin ako sa paligid kung andito pa ba siya o nasa kotse na. "Uhm to be honest, siya 'yong writer ng movie... si Prim, Prim Zamora."

Napa 'Ohhh' naman sila. For sure kilala nila ito.

Sinundan pa ito ng ilang tanong bago nila ako paalisin.

Parang pag-ibig lang.. kung pinagsawaan ka tsaka ka bibitawan.


Kasama ko si Aki ngayon.. papunta kaming parking lot kung saan sila naghihintay. Sa kotse ko sasakay ang iba. Nagpresenta akong ihatid sila. Sa kabila naman, si Aki—wala siyang kasabay. Si Ate Cecil, Kuya Reynald at Ate Marie lang kasabay namin ni Prim. "Sige bro, una na 'ko. Magkaka-alaman na ng first day gross hahaha." Tumango lang ako sakanya at sumenyas na aalis na rin. Pagkapasok ko sa kotse, nasa frontseat si Prim—tulog.

"Oh anong nangyare?"

"Nahimatay nang i-announce mong siya ang girlfriend mo." Natatawang sabi ni Ate Cecil. "Haha, deh, pagod yata. Ayan tulog."

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now