Written

3.7K 185 40
                                    




**

"NAG-USAP na kayo?" Tanong saakin ni Tito Ian ng matapos siyang magbihis sa CR. "Ah, oo. Okay na kami." Hindi kasi kami masyadong nakapag-usap kagabi dahil na rin mga pagod sila.. at ako, kahit naman 'di ko masyadong dama.

"Mabuti naman. Ano? Wala ka na ba talagang feelings?" Umupo ako sa kamay habang siya, nakatalikod sakin at nakaharap sa salamin—nagsusuklay. "Wala na." Sagot ko. Wala naman na talaga. Dati pa.

"Siguraduhin mo 'yan. Baka mamaya may nakaporma na... meron pa pala."

"Sus, ayos lang. Wala na nga 'di ba?" Sabi ko at tumayo na. Sinuot ko na ang jacket ko at humarap din sa salamin. "Una na 'ko sa baba."

Pagkababa ko, sinabi nilang nauna na raw ang iba. Isang kotse nalang ang natira't konti nalang naman kami. Hinihintay pa si Ate Cecil na naliligo pa lang. "Good morning," Napalingon kami sa kakababa lang—si Prim. Nakajacket siya't naka, as usual, black pants. Naka boots at may scarf. Naka bun din ang buhok niya. May mga konting hibla na nasa mukha niya—pero imbis na magmukha siyang magulo o walang ayos... mas nagmukha siyang maganda.

Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Naglakad siya papunta sa tabi ni Ate Marie't naupo. Pagkababa naman ni Aki, tinapik niya ko. "So, isang set lang tayo ngayon?"

"Yeah,"

I'm happy with the movie as of now. Lahat kasi talaga nagwo-work hard. Plus, the lead characters are doing well. Minsan, sina Leyra, nakaka one take lang. We've decided na as long as we still have time, magsho-shoot kami. Kung tugma rin naman yung place at time. Para kapag tapos na, we can still have time to roam around London.

Tumabi si Aki kay Prim and they both smiled at each other. Nakakapagtaka bakit naging close sila agad. To think na kakauwi lang ni Prim at ang tagal ng panahon muna bago siya makauwi. Pinupormahan kaya ni Aki si Prim? Ang bilis naman ata?

"Mav?"

"Oh?"

"Picture naman tayo. Dun ka sa tabi ni Prim, sa kabilang side." Sabi ni Ate Marie na ngayo'y nakatayo. Iniaabot ang cellphone kay Kuya Joseph. Ngumiti naman ako at sinunod ang sinabi niya. Tumabi ako kay Prim. Nasa tabi ko naman si Ate Marie. "1, 2, 3.. smile!"

After that, pinost niya na daw. Chineck ko ang instagram at nakita ko nga. Si Prim naman, tahimik lang at patingin-tingin lang sakanila. While Aki, nakapalibot ang kamay kay Prim habang nagce-cellphone.

"Antok ka pa?" Mahinang tanong lang ni Aki sakanya—pero narinig ko pa din. Magkatabi kasi kami ngayon. Based on my peripheral sight, tumango si Prim. Kaya naman, hinawakan ni Aki ang ulo niya't isinandal sa balikat niya. "Idlip ka muna. O di kaya mamaya sa set, okay ba?" Hindi naman sumagot si Prim. Pasimpleng tumingin ako sakanila. Nakasandal si Prim sakanya habang siya, hinihimas-himas ang ulo nito.

Bigla ko nalang ginustong maging si Aki.

"Oh I'm ready na! Let's go!" Napatingin kaming lahat kay Ate Cecil. "Naks naman, nakaligo na!"

"Siyempre, Friday ngayon e."

"Wow, MWF pala ang sched mo sa ligo? Hahaha!" Nagtawanan kaming lahat. Kaya din sumasaya ang set at ang team ay dahil sa mga bumubuo nito. Malamang, Mav. Magulat ka kung ibang tao nagpapatawa 'no?

Pagkabukas ng kotse, sumakay na si Prim. Buti nalang tinawag ni Kuya Joseph si Aki kaya 'di agad siya nakasakay. Ako 'yong sumunod therefore, kami ang magkatabi. Nasa may likuran kami't nasa dulo. Katabi ko naman din si Ate Marie. Si Aki, walang choice kundi sa frontseat. Si Tito Ian kasi pumasok na dito sa likod.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now