Pouring rain

3K 146 22
                                    



**

"HINTAYIN kita mamaya ,ah?"

"Sige..." Nakangiti niyang sabi sakin. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Mas mahigpit. Ayoko na ngang pakawalan.Pero kailangan. May klase pa kasi siya.


"Hmm?"

"Yung sinabi ko sayo."

"Yung alin?"

"Yung tula."

Napatango naman siya. "A-ah! Oo! Sige-sige!"

Kasi at the end of the school year dapat pero gusto ko ng marinig yung sasabihin niya sa tula. Hindi naman ako ganon ka excited, no?

Binitawan ko na siya. "Ingat ka."

"You, too." Tumingkayad siya ng konti at hinalikan ako sa pisngi. "Bye,"

Naiwan akong nakangiti dito. Sa kung saan kami kumain ng lunch dati? Oo, naging hide out na namin 'to. Swerte lang namin walang nakakakita. Ninja moves eh.

Ilang minuto lang, lumabas na 'ko. Dumiretso ako sa library kasi tutulong ako dun sa group activity na inasign samin ni Arnold. Oo, tumutulong naman ako kahit papano. Kanina pa nga yata siya naghihintay, e. Pero ayos lang 'yan, wala yang palag sakin.

Pagkadating ko, bukas na ang laptop niya't may dalawang libro sa mesa niya. Pagkaupo ko, tinangoan niya lang ako.

"Ako nalang gagawa sa number 10-20."

Tumango lang ulit siya.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-gawa, nagsalita siya.

"Mav?"

"Ano 'yon?"

Akala ko may ita-tanong siya tungkol sa ginagawa namin. Hindi pala.

"Girlfriend mo ba si Prim?"

Nagta-type parin siya noong sinabi niya 'yon. "Hindi, bakit?" Hindi naman talaga eh.

"Eh bakit...." Tinignan niya 'ko. "Bakit parang kayo?"

"Wala, hindi talaga kami. Si Jared boyfriend niya." Paka-chismoso naman nito sa buhay ng may buhay.

"Follower niyo kaya ako sa twitter. Ano yung mga tweets niyo doon?"

"Wala ka na dun, okay? Ba't ba tanong ka ng tanong?"

"Angas mo kasi, e. May boyfriend na, gumaganon ka pa. Haha!" Sinamaan ko lang siya ng tingin kasi nakaka-badtrip. Pake niya ba?

"How 'bout shut the f-ck up and get a life." Sabay baba ko ng libro. Ngumiti siya tapos nagkibit balikat. "If you say so." 


I tried my best to focus on what we're doing pero hindi ko mapigilan ang sarili ko'ng magisip. How did he found out? Nakita niya kaya kami? Sasabihin niya kaya kay Jared or he will choose to shut his mouth? Whatever he wants to do, it is fine. Kung sasabihin niya kay Jared ayos lang, okay lang. Ano mang kalabasan.


But what if he didn't. Hindi ko alam kung mas okay eh. Kasi there's a part of me that wants Jared to know about me and Prim. Maybe because I want her to be mine. Ayoko na ng may kahati. Let's stop to that, I'm not even so sure if she loves me too. 


Nang matapos na, I told him na siya nalang magpasa kay Sir. Pumayag naman siya at di na nagsalita. 

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now