Until here

3.3K 179 83
                                    



**


"ANONG NANGYARI SAYONG BATA KA?!" Ang sumalubong saakin ng makadating ako sa bahay nina Mama. Basang-basa ako pero naglakad ako na parang di nilalamig, di nanginginig. 


"Dito muna ako matutulog." Sabi ko habang di nakatingin sakanya. Mas malapit kasi 'to galing school kesa sa condo ko. Atsaka parang lalagnatin ako kaya okay na 'yong andito sila Mama. Atleast may mag-aalaga sakin. 


"Ba't basang-basa ka? Ha?" Binuksan ko ang ref, at finally, tinignan siya. "Umulan samin, e. Sainyo ba?" Nilrolyohan niya 'ko ng mata. "Pilosopo ka talaga! Go upstairs and maligo na! Pag ikaw nagkasakit!" 


Nagkakasakit na nga, Ma. 


Dire-diretso lang akong umakyat papuntang kwarto ko, nakita ko'ng bukas ang kwarto ni Rhian at nagla-laptop siya pero di na ko dumaan pa. Basa na 'ko, e. Pagkapasok ko agad sa CR, naghubad ako at naligo kahit na giniginaw talaga ako ng sobra. 


9:30PM na ako umalis sa school--sa pagkakatanda ko. Wala pang tigil ang ulan. Nagpalit narin ng guard pero naghintay parin ako. Hindi siya pumunta. Ayos lang sana kung nagsabi siyang di matutuloy, e. Pero wala, parang balak niya talagang paghintayin ako. Parang gusto niya talagang sinasaktan ako. 

Napapikit ako habang patuloy na bumubuhos ang shower sakin. Nakalagay ang dalawa ko'ng kamay sa pader na nasa harap ko. 


Kahit na nasasaktan ako ngayon, bakit ganon? Inaalala ko parin siya. Kung anong nangyari sakanya. Kung asan ba siya. Kung ayos lang ba siya. 


Fuck, Mav. Gumising ka na. 


Paulit-ulit ko 'yong sinasabi sa sarili ko pero bakit hindi ko magawa? Kung bangungot siya, tangina, ayos lang. Ayos na ayos lang kahit na lagi akong nag-aagaw buhay sa masamang panaginip na 'to. Ayos lang talaga. 


Kinuha ko ang tuwalya at nagbihis. Humiga agad ako sa kama kahit na basa pa ang buhok ko kasi gusto ng matumba ng katawan ko. Hindi pa 'ko kumakain kasi nga naghintay ako. 


Ipinikit ko ang mga mata ko. Sinubokan ko'ng matulog pero.. naramdaman ko nalang na may namumuo na naman sa mata ko na pinaka-ayaw ko. Minulat ko ang mata ko. Nakatitig lang ako sa kurtinang nasa gilid ng kwarto ko. Nakatitig lang ako doon pero eto  na naman, masakit na naman. Nakatitig ako habang tumutulo ang luha na galing sa mga mata ko. Ganon lang. Kahit nakatitig lang ako at mukhang walang iniisip... pero ang totoo, andami ng salitang gustong kumawala sa dibdib ko. 


Napapikit ako at inalala ang tulang sana'y sasabihin ko sakanya pero hindi ko na matandaan. 





NAGISING ako na may mabigat na pakiramdam. Umaga na pala. Bigat na bigat ako sa sarili ko'ng katawan. Pati narin sa ulo ko. Parang ilang semento ba ang nakapatong dito. Sinubokan ko'ng tumayo pero wala, hindi ko kaya. Humiga nalang ulit ako. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sobrang lamig. Dahan-dahan ko'ng inabot ang cellphone sa sidetable ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. 

LIKE THOSE MOVIESUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum