Museum

3K 160 74
                                    



**


"ARE you sure you'll be okay there?" 


For the nth time, she asked me. "Ma, kaya ko okay? I'll be fine." Sabi ko at inilagay ang iba pang damit sa maliit kong maleta. I remembered Prim, kung siya pa 'to, at kapag tatlong lugar ang pupuntahan namin, siguro mga tatlong maleta dala niya. 


"Eh kasi ngumingiti ka diyan mag-isa. Mukha kang tanga." Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga ang hilig niyang mang-asar. "Ilang days ka ba sa Tokyo at Hong Kong? Hindi ba sa Amsterdam ka mags-stay ng matagal? Kina Tita Audrey mo?"


Naglakad ako para kunin ang iba ko pang kakailanganin. "Yes, 2 days sa tokyo and 1 day sa Hong Kong. And the remaining days will be for Amsterdam." Sabi ko at inilagay na ang shaving cream, deodorant at kung ano-ano pa. 


"Take care of yourself ah." Sabi niya sakin. Tumango ako sakanya. Isasara ko na sana ang maleta ko ng makita ko ang picture frame ni Prim sa magkabilang table ng kama ko. 


"Which one should I bring?" Tanong ko habang nakatingin sa pictures at nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. 


"Nak, ba't di mo nalang dalhin yung malaking nakasabit sa wall mo, no?" 


"Thanks, that helps a lot." Sarkastiko ko'ng sabi. Mayroon kasi akong malaking picture ni Prim dito sa condo. Nasa living room. May picture frames sa kwarto ko. Pictures niya, pictures ko. May sa wallet din. 


Kinuha ko 'yong isa at sa kabila din. "Dalhin ko nalang tong dalawa." 


"Seryoso ka ba diyan? Kailangan talaga may frame pag dadalhin?" 


"Alam mo, Ma. Bibisita ka na nga lang mang-aasar ka pa." Sabi ko habang inilalagay ang dalawang 'yon sa maleta ko. "Mags-stay ako sa Amsterdam. Ilalagay ko 'to doon habang andon ako." Almost 2 months ako dun, e. Kailangan ko 'to. 


"Okay, di na ko magpapaka-kontrabida.... pero anak baka mabasag 'yan, nako." 


"Wan ko sayo, Ma." 


Natawa nalang siya at nanahimik. Pagkatapos kong mag-ayos inilagay ko na ang maleta ko sa gilid. Bukas pa naman alis ko, e. 


Tumabi ako kay Mama na nakaupo sa kama ko. "Hindi mo parin siya... nakakalimutan?" 


"Hindi ko naman talaga siya makakalimutan, Ma. Depende nalang kung magka-amnesia ako."


"Ay oo nga, no? Shunga naman ng Nanay mo, kaya pala shunga ka rin! Hahaha!"


"Dinamay mo pa ko." 


"Hindi, ito na, wala ka bang ibang minamahal diyan, anak?" Gusto kong gumulong sa kapormalan niya.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now