As long as..

4.2K 181 13
                                    




**

"DUDE, political science is my course. Therefore, I know how to make people guilty. And you're a proof!"

Sinamaan ko siya ng tingin. F-ck you ka, Cades.

"What's with the look, man? You should be thankful kasi lumabas na ang totoo. Na you like her."

"Correction," Sabat ni Aki. "He loves her."

"Yeah right? Be thankful because I did that. You're jealous. Hoooo, gwapo ko talaga." Pinaypayan pa niya ang sarili niya.

Narito sila ngayon sa condo ko. Hindi na nila kami sinundan kagabi noong kinuha ko si Prim at sumakay kami ng sasakyan. Simpleng hinatid ko lang siya. 'Yun lang. Tapos umuwi na rin ako. Hindi nga kami nakapag-usap. I can't clarify things to her last night. Nag-iisip pa 'ko what will I say to her. This is new to me that's why I don't know what to say. Or what to do. Tapos ngayon, andito sila. Sa totoo nga, pagbukas pa lang ng pinto, ba-bangasan ko na naman si Cady eh. Buti nalang humarang si Aki.

"OP. I can't relate."

"San ka ba kasi kahapon, Miro?" Tanong ko.

"Bakit? Miss mo 'ko?"

"That's so funny. I forgot to laugh."

"Hahaha sa tabi-tabi lang... nagbasketball." He said.

"Oh. Sayang Mir, you weren't there. You should've seen how he punched Cady. Hahaha!"

"More details nga." Natatawang sabi ni Miro.

"Ganto kasi. Nagselos si Mavis kay Cady. Nagsimula 'yon nung nagsho-shoot kami for Pre-Nup. Tapos tangina nitong si Cady. Hinalikan si Prim sa noo. Sa kamay rin. Hahahaha feel na feel!"

At nagflash na naman yung kahapon. Bwisit. Sinamaan ko na naman ng tingin si Cady. Pangiti-ngiti lang naman siyang hinayupak siya.

"Then? Sinuntok niya?"

"Hindi pa! Badtrip pa siya dun." This time, it's Cady already.

"Tapos nung nasa restaurant kami. Tumabi talaga kami ni Aki kay Prim. Tapos siyempre sweet-sweet kami ni Prim. Lam mo na... Haha!"

"Hahahahaha! Tapos? Sinuntok ka dun?"

"Wala pa nga! Atat na atat kang suntokin ako, ikaw suntokin ko diyan eh! So ayun na, sinabi ko sakanila na liligawan ko si Prim. Tapos nun, nag CR lang ako. Paglabas ko parang nagbabangayan na si Prim at Mav. Tapos nun, inakbayan ko si Prim at sinabing... 'What happened babe?' HAHAHAHAHA!"

Si Miro naman, mukhang enjoy na enjoy sa naririnig. Saya saya niyo ha.

"Tapos ayun nga. Sinuntok ako ng g-gong 'yan" Sabay turo sakin.. "Bwisit. Hindi ko naman akalain na ganyan pala magselos. Nasuntok pa 'ko. Hahaha!" Oh, siya pa nasuntok tuwang-tuwa pa.

"Hahahaha! Tapos?"

"Tapos umamin na siya. Ayun nga. Hahaha"

"Tapos? Hahaha!"

"Tapos wala na! Ina mo ka!"

"HAHAHAHA! Ganon ka pala magselos, Mav?" Now, sakin na siya bumaling. Actually lahat sila. Narito kami sa living room ng condo. Prenteng nakaupo lang kaming lahat. Habang umiinom-inom pa si Aki ng coke.

"Ngayon ko lang nalaman na ganon pala. Nakakainis kasi 'to."

"Naks. Haha! Katakot ka naman maging boyfriend."

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon