Five minutes

3.5K 135 67
                                    


**

BITBIT ang isang box, habang nasa pagitan ng mga labi ko ang ang isang itim na gunting, naglakad ako patungo sa parte ng overlooking kung saan, konti lang ang space. 'Yong parte dito na may isang malaking puno lang at konting space kung saan kami pwedeng kumain at magsama. Napapalibutan na kasi ito agad ng mga malalaking dahon at mga kung ano-ano.

Nilapag ko 'yon sa table na dinala ko pa talaga. Pinunasan ko rin ang pawis ko sa noo. Mainit kasi, e. Nagpatulong ako sa mga dinala ko ngayon kina Aki, Miro at Cady. Pero di sila tutulong sa pag-aayos. Alam ko namang mayroon din silang kailangan gawin kaya di ko nalang sinama. Tsaka pa, masaya naman ako sa ginagawa ko kahit ako lang mag-isa. Lalo na't naiisip ko'ng lahat ng pagod na 'to'y para sakanya. Ayos na. Kaya na. Kahit mag-isa.

Niremind ko ulit si Prim kaninang umaga tungkol dito. Mabuti na 'yong sigurado. Sabi naman niya makakapunta siya. Siya na lang daw magda-drive. Ayaw niyang ipagdrive siya ng driver niya. Ako naman, maghihintay ako dito. Kung magbibihis man ako, andiyan naman ang sasakyan ko, e.

Kinuha ko sa box na lalagyan ko ang mga polaroid pictures ni Prim... at namin. Alam kong medyo typical 'tong gagawin ko. Pasensya naman, beginner ako, e. Mapag-aaralan naman 'yan. Hindi naman ikaw ang mag-e-effort, so shut up nalang.



I am standing in front of a view. A view where in I layed every damn feels I have for her. The lights were, I can say, more beautiful than I have expected. It was hanging on a tree at the center of this place, together with all the pictures that were taken before and after I knew I was doomed. Underneath there, placed two chairs and a table. With food well prepared. Thanks to my Mom for doing all of it. She insisted. Beside the table, inches away from it, may mga ilaw rin, nakalagay pa nga ito  sa mga squared white box. Nakasabit rin. I swear, I could just close my eyes remembering how many times I failed on making that.

I smiled and then bowed my head a little. These crazy things I did for you, will  it even take your sanity?

I bet no. I guess not. I think never.

Plano ko'ng isayaw siya sa baba ng mga ilaw na 'yon. Plano ko'ng hawakan siya sa bewang at ilapit lalo sakin. Plano ko'ng idikit ang noo namin habang sumasayaw.

Napakagat ako sa labi ko at napailing. Baliw ka na nga sakanya.

Sumandal ako sa kotse ko at tinignan ang relo. 6:30. Papunta na siguro 'yon no? Kanina, pinadala ni Mama ang mga pagkain around 5. She took time to make it. Buti nalang mabait din 'yong Nanay ko, e. Kung wala edi nagkandaugaga ako sa kakagawa ng mga 'to.

I texted her Ingat.

Ilang minuto pa ang nakalipas at may nakita na akong sasakyan na papalapit. Siya na nga 'to. Sasakyan niya 'to, e.

Huminto siya sa harap ko. At ilang segundo lang, bumaba na rin siya.

Napa-awang ang bibig ko nang makita ko siya. She looks so fine standing there. She's beyond perfect.

Nakasuot siya ng isang blue dress. Naka-bun ang buhok at may konting make up lang. Simpleng-simple. Nakakamatay.

Lumapit ako sakanya. Nakatingin lang siya sakin. Hindi masama, hindi galit. Medyo naa-awkward. "Hi, Prim."

"Hello,"

"Ah, tara?" Inilahad ko ang kamay ko sakanya. Tinignan niya muna ito. Ngumiti at tumingin sakin.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now