SC -1

4K 152 13
                                    


**

"CUT!"

Nagpalakpakan kaagad ang mga nasa set. Mahusay. Magaling. Ang ganda ng take na 'yon nila Leyra at Nathan. Ako pa rin ang direktor nila. May kasunod na movie kaagad. Napakalaking success ang recent movie nila—na isinulat ng, ahem, asawa ko.

"Ate Ce, cellphone ko." Sakanya ko kasi inihabilin ang phone ko dahil nasa nire-rentahan panaming bahay ang bag ko. Iniabot naman niya 'yon kaagad. Agad ko'ng hinanap sa recent calls ko ang pangalan ng asawa ko. Mahal.

Magta-tatlong ring na yata pero hindi pa rin siya sumasagot. Nag-shopping kasi yata sila kanina. Tinext niya 'ko around 3pm na nasa mall siya with Vivian, Mira and Leigh. Nasa Bulacan ako kaya 'di ko siya nabisita. Kaninang madaling araw ako umalis.. mga alas dos. Uuwi ako mga 10pm na. 7pm palang ngayon. May nire-rentahan naman dito pero mas gusto ko 'yong inuuwi siya.

Nakasabunot naman agad ako ng hindi niya pa rin sinasagot. Naka apat na tawag na yata ako!

Tinawagan ko si Mira. Pangatlong ring palang sumagot na. "Hello, pinsan?"

"Si Prim? Asan asawa ko?" Agad ko'ng tanong sakanya.

"Ha? Eh kakaalis lang nun, ah. Nasa kotse na 'ko, pauwi."

"Ah baka pauwi na rin 'yon. Sinundo ba ni Manong Rolly?"

"Oo, sinundo 'yon. Hinintay pa nga naming maka-alis sasakyan niyo, e. Sige na't nagda-drive ako."

"Okay sige salamat."

Ibinaba na niya ang tawag pero ako, nanatiling nakatingin sa cellphone ko. Naghihintay. Ba't naman hindi sumasagot 'yon?! Hay. Tinry ko'ng si Kuya Rolly na ang tawagan, ang driver namin. Ayaw ko kasing siya yung nagda-drive eh, mas okay na 'yong may driver talaga siya.

Ilang ring pa, sumagot na. "Hello, sir?"

"Mang Rolly, andiyan ho ba si Prim?"

"Naku, sir, tulog po. Kayo po pala yung tumatawag."

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Ahh, opo ako ho 'yon. Sige, gisingin niyo nalang po pag nakarating na kayo." Wala naman kasi ako roon para buhatin siya. Nakaupo lang ako rito sa tabi nila Kuya Joseph at Ate Cecil.. kateam ko pa rin sila. After ng kasal naming, nagpahinga ako for a month. Samantalang siya, hindi ko na muna siya pinatanggap ng projects. Mag-focus nalang muna siya sa pagbubuntis. Hahaha. Hindi, gusto ko kasng mabuntis siya agad kaya mabuti na 'yong magpakondisyon. Baka kasi mapagod o di kaya'y ma stress.

"Ano? Anong sabi?" Tanong sakin ni Ate. Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Tulog pala."

"Yun naman pala."

"Hindi pa ba buntis si Prim, Mav?" Tanong naman sakin ni Kuya since magkakalapit lang naman kami rito.

Umiling ako, "Hindi pa, e."

"Ahhh. Sus, tatlong buwan pa naman simula nung kinasal kayo. Ayos lang 'yan."

"Kahit na, gabi-gabi na nga naming sinusubokan eh."

Nabilaukan naman agad si Ate Cecil habang si Kuya Joseph napangiti nalang. "Grabe ka naman, Mav! Hindi ka ba napapagod? Eh galing ka pang trabaho."

Ngumiti ako ng pilyo. "Hindi naman. Masyado akong maraming energy."

"Luh, eh di yung asawa mo nalang alalahanin mo. Kapagod 'yong gabi-gabi, 'no!"

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now