Of all people

2.9K 141 20
                                    



**

"WHAT is it?"

Huminga siya ng malalim. "Babalik na si Jared, e. I don't know when. He didn't tell me."

Oh.

Babalik na boyfriend niya.

"Okay lang. Let me know if he's here.. with you. Para...."

"Para?"

"Para makapag-handa ako and... alam ko kung... kung saan ako lulugar."

Great. Saan ako lu-lugar? Eh dati pa naman hindi na 'ko lumulugar, e.

"Mav.... itu-tuloy mo parin?"

Yumuko ako sandali pero tumingin din sakanya. "Oo naman." Para naman sayo eh. Mahal kasi kita.

"Okay. Drive safely. Good night."

Tatalikod na sana siya pero I called her name. Kaya lumingon ulit siya. I took steps towards her. Nung magkaharap na kami... hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

Beautiful.

"I love you"

I told her with eyes perfectly fixed on her. I love her. I love this girl so much.

Ngumiti siya at aalis na sana pero hinalikan ko siya sa noo. "Good night." Sabi ko at ngumiti. Hindi ko lang alam kung malungkot ba 'yong naipakita ko pero hindi umabot sa tenga.

Habang nagda-drive ako pauwi... nag-iisip ako anong magandang gawin namin habang wala pa boyfriend niya. Mamasyal? Magbakasyon saglit? Eh kaso baka pag-uwi naman, nakaabang na pala. Saan ba pwedeng mag date? O ipagluto ko nalang kaya siya? O kaya ipag-bake? Papaturo ako kay Mama. O kaya manood ng movie? Eh hindi naman siya mahilig. Rides? Roadtrips? Ano ba?

Pagkauwi ko, higa agad sa kama at tanggal ng pantalon at sapatos. Hindi na 'ko tumayo. Nakakatamad. Napagod rin ako ngayong araw na 'to.

Kaso 'di ko pa din maalis sa isip ko kung anong gagawin ko. Paano kung dumating na? Ano nang mangyayare samin? Kaya ko pa din ba? Paano kung sobrang sweet nila? Paano kung... kung wala na siyang time sakin? Wala na nga masyado dadating pa boyfriend niya—eh di wala na talaga?

Nakikipagtitigan ako sa unan ko ngayon.

Unan ko, chill ka lang, maiiyakan ulit kita.

Humarap ako sa ceiling. Ano ba 'tong pinasok ko?

Saturday na bukas. Baka pwede siya? May klase yata siya ng morning eh. Matext nga. Pero baka tulog na? Pero try lang.

Mavis: Free ka tomorrow?

Prim: Afternoon. Why?

Mavis: Thinking if we could watch a movie?

Prim: you know I dont like movies

Mavis: Okay. Uhm, samahan mo nalang ako may bibilhin ako. If you're not busy.

Kahit wala naman talaga yata akong bibilhin. Hay. That's so stupid, Mavis.

Prim: Promise me we wont take long..

Mavis: Promise. Good night. I love you.

Prim: Alright.





LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now