Stay the night

3.5K 144 32
                                    


**

"BAKIT kasi di mo sinabi sakin nung nagkita tayo sa building 1?" Sabi ko sakanya. Nakaupo siya habang ako, nakaupo sa gilid niya. Tapos na siyang kumain ng breakfast niya at kahit papaano, bumaba na rin ang lagnat niya. Bukas na ang finals at kahit na ayoko siyang payagan maglaro wala akong laban. Natext na rin niya ang coach niya at pumayag naman na absent siya ngayon sa practice. Basta daw bukas andon siya at kapag kaya niya isasalang siya. At naalala ko, may exam pala ako bukas.

"Na hurt kasi ako." Sabi niya't sinamaan ako ng tingin.

Hindi nalang ako sumagot. Na hurt? Walang-wala lang 'yon sa sakit nung iniwan niya 'ko.

Tinignan ko siya. Nakatingin parin siya sakin ng masama. Habang naka crossed-arms.

Hindi ko mapigilang 'di mapangiti. Ang cute niya lang kasi. Sarap kagatin. "What's funny?" Mataray niyang tanong sakin. Nakataas pa ang kilay at mukhang lalong nainis.

"Wala, wala.." Sagot ko habang nakangiti't tumatawa.

"Go away." Sabi niya at inirapan ako. Aba? Go away? Ngayon ako aalis kung saan kailangan niya ko dito?

"Anong go-away ka diyan." Natatawa ko paring sinabi 'yon. Mas lalo naman siyang nainis kaya mas lalo rin akong natawa. Grabe. Pakiramdam ko namumula na 'ko sa kakatawa.

Wala namang nakakatawa pero tawang-tawa na 'ko sakanya. Hay... mukha na akong tanga.

"Alis ka na!" Iniabot niya yung unan na nasa tabi niya't ibinato sakin. To think na sobrang lapit lang namin eh masakit talaga yung pagkakatama. "Aray ko naman!"

She rolled her eyes over me at humiga. Turning her back on me. Natatawang napapunas ako ng kaunting luha na tumulo sa mata 'ko. Kakatawa kasi.

Hinawakan ko diya sa bewang at pinisil-pisil 'yon habang sinisilip siya. "Uiii. Sorry na?"

Kaso 'di niya parin ako pinapansin. "Ui!" Hinawakan ko ang braso niya't pilit siyang pinapaharap sakin. Kaso ayaw niya rin. "Alis ka na nga!"


"Harap kasi... Ah, ayaw mo ah."


Dinaganan ko nga at hinarap sakin. Nanlaki naman ang mata niya. Wow, ha? Parang just now?

Hinawakan ko magkabila niyang braso at mas lumapit sakanya. Now that we're inches away, binitawan ko na 'yon. Kahit na itulak niya pa 'ko ng malakas wala na siyang laban kasi mahina siya ngayon. Nakangiting tinititigan ko nalang siya ngayon. Siya naman, panay irap. Pero dahan-dahan, nawala 'yong masamang tingin niya sakin. Nakipag titigan na rin.


"Ang bigat mo na."

"Talaga?" Nakangising tanong 'ko.

"Hmm-hmm."

"Ikaw ah, pinapansin mo pala yung bigat ko.."

"Eh siyempre.. lagi ka namang naka...dagan sakin kaya alam ko..."

"Siyempre... lagi akong nasa ibabaw eh."

Nirolyohan niya 'ko ng mata at umiwas siya ng tingin, habang ako, nakangiti parin.

Hinawi ko ang mga buhok na humaharang sa maganda niyang mukha. And then I sighed.

"Na-miss kita."

Seryoso ko'ng sabi sakanya. Tinitigan ko pa siya ng sobrang lalim para mas maramdaman niya.

Namiss ko siya ng sobra. Namiss ko 'yong sakit na pinapadama niya kapag magkasama kami. Sa tuwing naiisip niya si Jared, sa tuwing pinaparamdam niya sakin na pangalawa lang ako. Sa tuwing... sinasaktan niya 'ko. Na-miss ko siya. Naisip ko, kahit naman 'di ko siya nakita masasaktan padin ako. Kaya bakit pa kailangan ko'ng lumayo? Eh mami-miss ko rin naman siya. Eh di dumoble na 'yong sakit? Kaya better nalang na makasama ko siya. Bahala na.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now