Offer

3.1K 140 24
                                    



**

2 YEARS LATER...

"MISS Zamora, I would like to congratulate you for a job well done." I gave my boss a smile. Guess what just happened? Humakot lang naman ng award ang story ko'ng ipinalabas last year. Tapos, ang isa ko pang story ay pino-process na. Lahat kami sa company masaya, siyempre. I am fine with writing and with the title "Best selling book of all time.", mapasali sa mga news stands and all. I am so happy with that alone. Pero ngayon? Last year noong pumunta ang head ng company sa bahay ko, asking for my permission... hindi na 'ko nagdalawang-isip.

"I want to thank you as well. I knew you recommended my works."

"Why wouldn't I? You're such a good writer." She tapped my back and walked away. May pupuntahan pa siyang meeting. Kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko at denial ang number ni Tricia. Kanina pa 'ko tinatadtad ng texts non sa whatsapp.

"Hello gurl?"

"Hi! Saan tayo pwedeng magkita?"

"Punta ka nalang dito sa bahay. May gustong makausap ka. Also, I prepared something for you."

I wonder who could it be. "Ah.... Okay. I'll be there in 20 minutes."

"Sige, ingat ka. Mwaaaah!"

Lumabas na 'ko ng kompanya at sumakay na sa car ko. I fixed myself before driving. Mga 15 minutes lang naman ang duration ng time pag papunta ako kina Tricia from the company pero naisipan ko'ng bumili ng cake. Cake monster 'yon eh.

Nagpapatugtog ako while nagda-drive. These past few days masyado akong naging LSS sa mga kanta. Dati kasi di na 'ko masyadong nakikinig but now, hala, lagi na. As long as I have time. Kailangan ko rin kasi when I write.

Not Today – Imagine Dragons

"Holy road is at my back, don't look on, take me back again..." Sabay ko sa kanta. Ang sarap pakinggan. Sobrang sarap sa tenga.

Nakarating na ako sa bahay nina Tricia. Nag doorbell muna 'ko. I waited na buksan na niya 'to. "Hi 'teh!"

"Hi!" Nagbeso kaming dalawa. Itinaas ko ang box ng cake na favorite niya. "May binili ako for you!"

"Ako din! Nagluto ako for you. Andddd, my bisita tayo!" Excited niyang sabi kaya napakunot ang noo ko. Sino kaya? "Okay?" Sabi ko at pumasok na ng tuloyan sa bahay nila. Inilagay ko ang coat ko sa gilid ng door sa loob. Nauna na siya at nakasunod na 'ko.

Pagkarating naming sa kitchen. May isang lalakeng nakatayo. Nakatalikod.

"Tito! Andito na si Prim!"

Humarap siya samin. Tito niya 'to? Bakit ang gwapo? "Hello, Prim." Inabot niya ang kamay niya sakin. Of course, I accepted it. "Hello, Sir."

"Naku, 'wag ka ng mag-Sir sakin." Ang gwapo niya talaga. Lalo na pag ngumingiti. Niyaya na kami ni Tricia sa dining table kung saan nakahanda na ang food.

"Anong meron?"

"Celebration for you! Also, may sasabihin kasi sa'yo si Tito." And then we both turned to his Tito. "Ah, ano po 'yon?"

"Call me Ian. Tito Ian nalang." Sabi niya sakin at ngumiti. "Ah, okay po." Tumango ako. "Tito Ian."

"So, ganito kasi, I work in a Production company. In the Philippines." Nakikinig lang kami pareho ni Tricia. Alam niya na kaya?

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now