Cut!

4.8K 213 21
                                    




**


"SON, ilang clips na ba mayroon kayo?" Inilapag ni Mama ang cake sa mesa. Pagkatapos, sinundan naman ni Yaya ng 1 pitcher ng juice.


"May tatlo na diba?" Tanong ko kay Aki. Doon kasi kami sa Japanese Garden nagtake. Yung view pa lang yung mga pinagkukuha namin. Pagkatapos naman nun, si Prim na at si Cady. Oo si Cady talaga. Punyeta. Walang ibang mahanap 'tong si Aki! Psh.


"Actually we already have five."


"Hmm, kain muna kayo. I know you're already hungry." Totoo naman. Pumunta kami kay Mama kasi pinatawag niya rin ako. Sinama ko nalang 'to. Wala kaming pasok ngayon so we decided na magtake nalang para kahit papano masimulan na.


"The duration of the video is?" Tanong ko kay Aki. Hindi ko kasi matandaan.


"2 minutes lang naman. Buti nga naawa pa si Sir. Hahaha!"


Huminga ako ng malalim at kumain nalang. "Ma, ba't mo nga pala ako pinatawag?"


"Ah, I'm going to ask about your birthday anak."


"What about it?" Tanong ko habang kumakain.


"What do you want? Gusto mo ba kayo-kayo lang ng friends mo? Dinner kayo? Party? Out of town?"


Bumaling na naman ako kay Aki. "May activity ba tayo sa 4?"


"Wala naman ata. Pwede lang absentan."


"Dinner nalang," Tinatamad ako. "Sure ka? Why?"


"Yeah, wala. Gusto ko lang. Dito nalang sa bahay niyo." Sabi ko sakanya.


"Good! Aagahan namin uwi. Then after that, you can stay naman sa condo niyo like kung anong trip niyong gawin.. maginuman,"





"That's a good idea, Tita." Oh edi sana siya nalang nag-birthday.


"Aki, I have a question!" Kumain lang ako habang busy sila.


"Yeah?"


"May girlfriend naba 'tong si Mavis? Tell me, be honest!" Wtf ma. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinamaan niya rin ako ng tingin. Tinignan ko muna si Aki pero tumatawa lang naman ang loko.


"Wala, Tita. Totoo 'yan. BUT," He smiled to me. "May ka-something siya ngayon."


"The f?" Maypa something-something pa siyang nalalaman eh wala ngang something!


"Sino?" Interesado namang tanong ni Mama. Siyempre chismosa 'yan eh.


"Prim. Prim Zamora."


"WHAAAAT???" Nagulat naman kami pareho sa reaksyon ng nanay ko. Ayaw niya ba kay Prim?

Pero yung mukha naman niya mukhang nagulat na natuwa. "That's perfect!" See, tuwa nga.


"Ma, wala 'yon. Kaibigan ko lang 'yon." Sabi ko sakanya bago pa siya ma heart-attack. Napatayo pa kasi tapos humawak pa sa dibdib niya. Shabu pa.


"Tita, sobrang indenial ng anak mo. Hindi namin kinakaya." Oh, nakalimutan ko'ng andito pala si Aki. Great. Mapagtutulongan ako nito.


"Nak, it is okay naman to admit." At ayun, inakala naman ng nanay ko'ng totoo yung sinasabi ni Aki. Mukhang seryoso na nga siya eh. Hay.


LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now