Movie

3.3K 187 43
                                    


**

HATID NA KITA.

Tatlong salita na sinabi niya sakin pagkatapos niyang tanungin kung saang parte ako nakatayo. Nakakagago lang. Hindi man lang ako pinasagot. Hindi niya man lang ako inimik pagkatapos non. Hinatid niya lang ako sa parking space ng restaurant kung saan kami nanggaling.

HATID NA KITA. Yun lang. Nakakagago talaga. Wala man lang lumabas na salita galing sakin. Siguro dahil na rin sa gulat at oo, para akong pinagsakluban ng langit at isa pang langit. Kung meron pa ba.

HATID NA KITA. Ilang beses ko na itong naririnig. Ilang araw narin kasi ang nakalipas at oo, para mang tanga pero laman 'to ng isip ko.

At oo, HATID NA KITA. Tatlong salita lang pero napaiyak ako. Tatlong salita lang—hindi masakit, hindi bulgar. Pero sobrang pinaiyak ako.

Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa sasakyan, naiyak na agad ako. Habang nasa byahe, umiiyak parin ako. Hanggang makauwi na't nagpahinga—umiiyak parin ako ng matindi.

Hatid na kita palang 'yon ah? Pano pa kaya kung 'Mahal parin kita' na? Edi na stroke ako nun?

Hay. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse, nag-iisip. Hindi ako ang nagda-drive. Mayroon kasing pumunta sa bahay dahil inutosan ni Tito Ian na magdrive para sakin kasi daw baka puyat ako. Kasi kagabi lang, naginuman kaming lahat—siya lang wala. Kaninang madaling araw pa raw bumalik galing Subic. Hindi ko naman na natanong bakit. Siguro nag-quality time muna sila ng Ashley niya.

Bumuntong hininga ako. Grabe. Ilang araw na pala ang nakalipas. Ngayon, papunta na kaming airport. Punta na kaming London. Mags-start na 'yong movie. Nakaka-excite na nakaka-kaba. Ang laking fandom pala ng LeyThan, alam mo 'yon. Noong nagkasama na kami doon ko lang nalaman at napagtanto.

I wonder, sino kaya ang katabi ko sa airplane? Sana naman ka-close ko. Sana si Ate Marie o di kaya si Ate Cecil? O kahit sino nalang basta hindi siya.

"Malapit na ho tayo, Ma'am." Napa-upo ako ng maayos. Inayos ko rin ang sarili ko. Tinignan ko ang pagmumukha ko sa salamin—ayos naman na. Nagkaka-eyebags na talaga. Wala na. Panget na. Zombie na. Huhu.

"Ayan, thank you, po."

"Salamat din po, Ma'am." Sabi sakin ni Manong ng maayos na rin yung mga maleta ko. "Nood po kayo ng movie, ah."

"Sige ho, Ma'am. Ingat po kayo."

Pumasok na ko, chineck ko na rin ang phone ko kasi ite-text raw ako ni Aki kung saang parte raw sila. After ko'ng mag check-in, pumunta na ko sa tinext niya. Ako nalang raw tsaka si Nathan ang inaantay.

Nakita ko naman agad sila. Andami kasi namin, siyempre. Almost one month kaming mags-stay sa London, almost one month rin kaming magkakasama. Hay. Ano kaya mangyayari?.... Sa movie. Oo, sa movie.

"Let me help you," Alok agad sakin ni Martin. Ang Jared ng story. Oo, may Jared talaga pero ang name niya dito ay Jasper. "Thank you," He's 6 years younger than me. 26 pa ko kaya siya 20. Haha. Malamang, six years younger nga diba? Magulat ka, Prim kung 17 pa lang. lol.

Tumabi ako sakanya kasi yun yung mas malapit na vacant seat. "Kuya Aki?" Kahit 'di ako ang tinawag—napatingin parin ako. Nakatingin rin sakin si Aki. Kumaway siya at ngumiti. I did the same.

"Yes?"

"Gusto mo palit tayo?"

"Sure," Nakangiting sagot naman ni Aki. Nagpalit nga sila. Ayaw ba akong katabi ni Martin? Haha. Kinuha ko ang cellphone ko at ayun, nagt-twitter, instagram. "Uy,"

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now