Irresistable

4.6K 186 17
                                    


**

WE'RE currently in our film 32 -Film literature. Nagbibigay si Sir ng notes para iphotocopy at mapag-aralan since my long quiz kami bukas. After naman nun, dinismiss niya na kami. 


"Mav," 


"Oh?" Lingon ko kay Aki na kasalukuyang may kinukuha sa bag niya. 


"Pagusapan na natin yung pre-nup video. Ang tagal na pala nun di man lang natin naisip! Hahaha!" Oo nga pala. Medyo nawala sa isip ko, e. 


"Mamaya na'yan." 


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Tinignan ko kung may reply na siya. Pero wala. Kaya tinext ko ulit.


Mavis: Asan ka na ba?


Naglakad kami sa hallway, papuntang CR. Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin habang si Aki nasa cubicle.

Chineck ko ang phone kung may reply na.


Prim: I'm sorry. Papunta na kaming canteen ni Mira. y?

Mavis: I'm going there. 

Prim: Alright. 


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Okay na ba ako? Inayos ko ang buhok ko. Sakto namang lumabas si Aki. 

"Improve ka na talaga, Bro."


"What do you mean?"


"Wala, de-deny mo na naman." Nagayos rin siya't naghugas. So, pareho kaming nakatingin ngayon sa salamin.


"If this is about Prim, I told you already. There's nothing going on between us. We're just friends."


"Friends? Really?"


"Oo. We just like hanging out with each other." Sabi ko pa. I always say the truth. Kaibigan ko sila and I will tell them if something's up. Pero wala. 


"If you say so." He smirked before walking outside the door. Sumunod ako at sinabihan siyang sa canteen kami. "Bakit? Gutom ka na ba? 9 pa lang ah?


"No, not really." Hindi naman na siya nagtanong pa. Sumunod nalang rin siya. 


Mavis: San kayo banda?

Prim: Sa may nestea stand. 

At ayun, nakita ko siya. Medyo malayo sa pinto. Nakita niya ako and she just smiled. Tumango ako. Si Mira lang naman kasama niya. Si Aki naman, nakasunod lang saakin.


"Hmmm, kaya pala." Siniko ko siya agad habang nakatingin kay Prim. Nakatayo ako sa harap ng table nila. 

LIKE THOSE MOVIESDove le storie prendono vita. Scoprilo ora