We still have time

3K 140 12
                                    



**

"HAVE you seen her?" Tanong ko kay Miro. Andito kami sa room ni Tito ko. Siya ang head ng campus ministry and since close kami, I asked if pwede akong tumambay. Hinihintay ko kasi si Miro. Galing siyang building nina Prim.

"Yeah. She's with her..... boyfriend." Sabi niya habang iniikot-ikot ang ballpen na nasa palagitnaan ng mga daliri niya.

"Kumain na ba siya?" Tanong ko na naman. Baka kasi masayang 'to. 'Tong dala ko'ng food for her.

"I don't know. Nasa may gym sila, e." Ah.. practice nga pala ngayon nina Prim para sa finals. Yes. Last game na next week. I have to watch.  There are like, 6 schools kaya 'di naman gaano ka tagal matapos ang season na 'to.

Hindi ko rin naman siya matext kasi na kay Jared yata ang phone niya. She once told me na pinagselosan ni Jared 'yong one time na may katext siya. Ako 'yon pero di alam ni Jared. That's why sometimes kinukuha ni Jared 'yong phone niya. Pag nagkakasama naman kami, hindi naman kami gaanong nagpapansinan. Mahirap. Sobrang hirap kasi nakikita ko silang nagla-lambingan. Minsan kasama ko rin naman sina Aki at napapatingin nalang sila sakin. May ibang friends rin naman si Jared kasi may ibang classmates siya nung high school na dito nag-aaral.

Napag-usapan namin ni Prim na siya nalang ang unang ti-text sakin kapag okay na. Kaya inaantay ko lang text niya. Magi-isang oras na nga ako dito, e. Tapos wala parin. She told me na gusto niya raw nung adobo ko (well, 'yon lang naman talaga ang alam na alam ko'ng lutoin.) Kaya nagdala ako.

Maya-maya lang, may nagtext na sakin. I prayed to God na sana si Prim 'yon. And yes it's from her.

Prim: San tayo magkikita?

Mavis: Sa stockroom? Okay lang?

Doon lang kasi ang alam ko'ng pinaka-safe. 'Yong wala talagang ibang makakapasok o makaka-kita samin.

Prim: Ugh. Fine.

Agad-agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang bag ko't naglakad na papunta sa taas. Pagkapasok ko, nakita ko'ng andito si Mang Fred. Isa sa mga janitors dito. "Hijo, ano'ng ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah.... may pag-uusapan lang kasi kami ng kaibigan ko. Eto po, pang sigarilyo niyo." Agad ko siyang inabotan ng 1000 pesos. Tumango naman siya at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag. Alam ko namang minsa'y pinupuntahan 'tong lugar na 'to ng mga security guards or ng mga janitors pero di naman malaking problema 'yon. May nakita akong tatlong upoan. Kinuha ko 'yong dalawa at nilinisan. Damn. Ngayon ko lang 'to ginawa sa buong buhay ko.

Alam ko kasing maarte ang babaeng mahal ko kaya dapat malinis pati upoan niya. Nasa stockroom na nga kami, e. Baka mabwisit 'yon sakin. Tiniya-tiniyaga niya na nga lang 'tong pa nakaw-nakaw namin. At kung saan-saan nalang kami nagsusu-suot.

Nilinis ko muna ang kalahati ng lugar, hindi ko naman kasi kaya kung lahat eh. Tsaka di naman gaano karumi kasi malanis-linis naman na.  Kinuha ko na rin ang paypay na nasa loob ng bag 'ko—na hiningi ko pa kay Mama.
Naalala ko tuloy 'yong expression niya ng hiningi ko 'yon. Tapos ayun, pinaliwanag ko sa kanyang para kay Prim 'yon. Kung may panahon na naiinitan siya. May dala pa nga ako laging handkerchief.

Umupo muna ako at naghintay. Galing pa siyang kabilang building, e. Malapit rin kasi doon ang gym.

Bumukas ang pinto at pumasok naman siya. Medyo pawis. Naka bun ang buhok( at kahit na medyo magulo ito ay maganda parin siya), nakasuot ng itim na pantalon at puting t-shirt.

Tumayo ako agad. Kinuha ang panyo pinunasan muna ang noo niya. "Sorry," sorry kasi napawisan ka. Sorry kung nadadamay ka sa mga plano 'ko.

Tinignan niya lang ako at maya-maya, ngumiti rin naman agad. "It's okay." Napatingin siya sa mesa na nasa likod ko. "Kain na tayo?"

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now