Long gone

3K 153 49
                                    



**

8 YEARS LATER..




"CONGRATULATIONS, DIREK!" Salubong sakin ni Ma'am Froila. Ang may ari ng film company na pinagta-trabahoan ko. I nodded at her, not giving her a smile. "Congratulate the team as well." Sabi ko at itinuro ang team na nasa likod rin ng success ng movie. We gathered here for a victory party. Ang 3rd big screen movie na ginawa ko earned 54M on its first day. Ito na raw ang pinaka-malaking movie gross sa first day at for sure magiging blockbuster daw talaga. Well, I hope so. Ang iba ko namang movies ay ganon rin, blockbuster hits. May nagawa na rin akong 7 indie movies. Ang first ay when I was still in college. 


"And because of this, I want to ask you if you want to make another one." She offered me. 


"Ma'am Froi, I think I'm taking a break." I need to rest. For sure papagalitan ako ni Mama kung di ako magpapahinga. 


"Oh.. for how long?"


"For a month or two, I guess." Nakapagpa-book na ko ng flight.


"Oh, Okay. Kung pagbalik mo, is it okay?"


"Io-onhold niyo muna?" 


"Yes, I think maganda kung ikaw ang mag film ng movie na 'to. Ara and Mike will write the story. I can give them two more months para ma finish and yes, para ikaw ang maging director."


"Romance?"


"Hindi. It is a story of one of our heroes." I see. I nodded and took a sip on my drink. "I think I have to go now." 


"Aren't you going to stay longer?" Tanong niya pa sakin. Umiling ako. "I have something to do." And I cannot skip this one. 


"I understand. Nga pala, san ka magva-vacation?" 


"Tokyo, Hong Kong and then Amsterdam." Ngumiti siya sakin and then tapped my back, "You take care, okay?"


"Are you saying that because you might lose your best film maker?" 


"I am saying that because you are like a son to me." She smiled with assurance. "Are you treating me like a son because of my movies?"


Napailing nalang siya at natawa. Nagbeso kami before ako umalis. Nagpaalam rin ako sa mga kasama ko. 


Pumasok ako sa kotse at nag drive na papunta sa isang flower shop. 


"Ikaw pala 'yan, hijo." Ngumiti siya agad ng makita ako. Tinignan ko lang siya at tinangoan. Kinuha na niya ang lagi ko'ng binibili. For years, alam na alam na niya kung anong binibili ko. "Bayad ho." Sabi ko at inabotan siya. 


"Salamat, sa susunod na buwan ulit, ah." Ngumiti na naman siya. Pumasok na ko ng kotse at nagdrive papunta sa Mt. Zion. 


Pagkababa ko ng sasakyan, tinanggal ko na ang shades ko at ginulo ang buhok ko. She likes it undone and messy. 


Naglakad ako papunta sa puntod niya.  Umupo ako sa harap non at inilagay ang bulaklak. 


"Kamusta ka?" Tanong ko. "Miss na kita." Sabi ko habang tinatanggal ang mga dahon-dahon na nasa gilid nito. Kinakausap ko siya kahit alam kong wala namang sasagot sakin. Parang buhay ko na 'to. Dito ako panatag. Dito ako ligtas. 

Buwan-buwan. Buwan-buwan simula ng mawala ka, lagi akong andito. Na para bang kailangan ko talagang pumunta. Obligasyon. Kapag may problema ako sa set, pumupunta lang ako dito. Minsan dala-dala ko pa ang laptop o cellphone kung saan may mga video o pictures tayo. Kapag sobrang saya ko o di kaya naging success na naman ang pelikulang ginawa ko, pumupunta parin ako dito. Kapag naman, sobrang nami-miss kita pumupunta parin ako kahit di naman kita nayayakap o.. nahahalikan gaya ng dati. Kapag tingin ko wala akong kakampi, pumupunta ako dito, nagsusumbong. Kapag... sobrang pagod na pagod na ko... tumatakbo ako papunta dito... kahit na magkadapa-dapa pa. Basta ang alam ko lang kapag nabasa ko ang pangalang Prim Zamora na nakasulat sa lapidang 'to, kumakalma ako. Nawawala lahat ng pangamba, ng takot. 


Pero hindi ko ipagkakailang masakit. Sobrang sakit. Hindi na ko ngumingiti simula ng mawala ka sakin, Prim. 


Naalala ko nung araw na 'yon, huli na pala kami. Gabi ka nakitang patay sa kwarto mo, walang buhay, may taling nakapalibot sa leeg, may tumbang upoan sa baba. Parang isang nakasabit na halaman na walang kabuhay-buhay. 

Pinagpasalamat ko nalang na hindi kita nakitang ganon. Nakita kita... nasa kabaong ka na. "Maarte ka diba? Mainit diyan." 


Pilit sinisisi ng mga magulang mo ang mga sarili nila... at kahit ako... at sinisisi ko rin ang sarili ko kasi dapat pala itinakas kita sa lahat ng kamay na humihila sayo o di kaya sa mga boses na naririnig mo noong may pagkakataon ako. 


Nasa pintoan pa ko nun ng bahay niyo, e. Nasa pinto ako ng bahay niyo at nakatambad ka pa dun. Lahat sila nagiiyakan... pero ako? nakatayo lang ako don. Hindi kita malapitan. 


Parang torpeng high schooler na hindi makalapit sa crush niya. Naduwag ako, Prim. Sobrang duwag ko sa mga panahon 'yon. Parang torpeng high schooler na takot i-reject sa pag aya niya sa crush niyang maging partner sa ball. Takot ako, Prim. Takot akong baka hindi ko talaga matanggap. At tama nga ako, hanggang ngayon hindi ko parin tanggap. 


Hanggang ngayon. Hanggang ngayon hindi parin bumubukas ang puso ko para sa iba, pero sa totoo lang, hindi ko na talaga 'to bubuksan. Kasi naka-kandado na. Kasi yung susi andiyan parin sayo. Hawak-hawak mo.


"Nga pala, baka dalawang buwan akong di makapunta dito, ah." Pagpapaalam ko. "Hayaan mo pag balik ko.... nakabalik na ko." Tawa ko pa. 


Dito lang... sa kanya lang... ako nakakangiti, nakakatawa, nakakaiyak. 


Tinanggal ko pa ang isang dahon na tumatakip sa pangalan niya. "Bakit kasi?" Heto na naman ako, namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. "Bakit mo kasi ginawa 'yon? Pagod na pagod ka na ba? Dapat sinabi mo para nailayo kita sa lahat... sa lahat ng nagbibigay sakit sayo sa mundong 'to. Alam mo namang kaya kong gawin lahat para sayo, di ba? Lahat-lahat."

 Sana itinakas kita. Sana naitakbo kita. Sana nagawa ko 'yon. At napakalaki kong tanga kasi hindi ko 'yon nagawa. Wala akong nagawa. 

Yumuko ako... "Kasi Prim, sa totoo lang, ako rin.... pagod na pagod na akong magkunwaring okay na, ayos na at tanggap ko na. Kasi hanggang ngayon? Para akong nasa hospital. Na may life support." 


Kasi hanggang ngayon... mga alaala mo ang nagsisilbing life support ko... ito nalang ang bumubuhay sakin.


**



LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now