Deja vu

3K 166 38
                                    


**

"WHAT do you think?" Nakatingin parin siya sakin. Sumandal siya sa upoan niya. Tinignan ko silang lahat—they're all looking at me. Naghihintay.

Napatingin kaming lahat kay Tito Ian when he cleared his throat. "I think we should let Prim decide, right? If what's better. I believe she will come up with the best storyline."

"And I believe that by choosing the idea of my recommended story line—it could be the best." Tapos ay tumingin siya saakin. "Lalong-lalo na.. si Prim ang magsusulat non. Way back in her college days I heard that she wrote a lot of tragic and heavy romance stories. Right, Aki?" Para namang napukaw si Aki at napa-ayos pa ng upo.

"R-right, I believe." Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "See? So, what now?" Bumaling na naman sakin si Mavis.

Should I let this push through? The story line that he wanted is similar to ours. Baka nga, talagang storya naming ang gusto niyang ipalabas.

I took a deep breath before saying... "Yes," Lahat naman sila ngumiti at mukhang.. natuwa. Yes, I don't know or ako lang talaga. "That's good. So, may naisip na ba kayong flow?"

"I want to talk with Ms. Zamora first. Walang iba. Kaming dalawa lang."

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Tumayo agad siya at tinanguan ako. Sinenyasang lumabas? Lahat naman sila parang wala, wala, I mean.. hindi nagulat? Nakangiti lang sila.

"Hmm..."

"It's okay, Prim, go ahead." Sabi sakin ni Tita Elizabeth. Tumayo ako at sinundan siya sa labas. Nakatayo siya sa isang pinto, nakasandal. Naglakad ako papunta sakanya, papunta sa taong sinaktan ko—sinaktan ko habang sinasaktan ang sarili ko.

Nagf-flip siya ng mga pages yata. "I want to talk about the story personally. I usually do this pag may movies kaming gagawin." Diretso at kaswal niyang sabi sakin. Very professional. Samantalang ako? Heto, nanginginig. Nanginginig sa kaba, walang bahid ng pagkaka-professional. Kasi hindi naka-focus sa story... kasi hindi pa nakakamove-on. 


Ilang burger mcdo na ang nakain ko ngunit 'di parin ako nakakapagmove-on. 


Kaya nag-KFC nalang ako. Nakakaumay rin puro mcdo.


"What about?"

Sa puntong 'to... parang gusto ko'ng bigyan ng award ang sarili ko sa pagsasabi non ng diretso at seryoso. Na walang pangangatog at pagpiyok. Hindi lang ako sigurado kung may kulay pa ko.

"Pwede bang storya natin ang gawin mo'ng story ng movie?"

For the third time, napa-awang ulit ang bibig ko. Ngayon lang,napataas din ang kilay ko.

"Kung ayaw mo at masyadong personal, ayos lang. But if you would—"

"Bakit? Bakit yung satin?"

"First, unique. Second, ang astig ng twist, di ba?"

Wow. Muntik na ko'ng makapagbitaw ng What the f-ck sa sinabi niya.

"Mavis—"

"Hindi naman natin sasabihing story natin 'yon, e. Ilagay natin yung side ko of course at siyempre yung side mo. Ilagay natin lahat ng rason kung bakit mo ko pinabayaan at hindi ipinaglaban."

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now