Mine

4.1K 194 47
                                    


**

NAPANGITI siya sa sinabi ko. Matamlay man ang mga mata niya, nakuha niya paring magbigay ng masayang ngiti. "Baka mamaya ipapadagdag mo na naman 'yan sa movie?" Natatawa siya at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay. Tsaka ito hinalikan. "Hindi na, pangtotohanan na 'to."

"Pero yung katotohanan sa ngayon ay... kailagan mo'ng bumalik at ipagpatuloy ang taping. Sige na, balik na doon."

Kahit na ayoko pa—kailangan ko naman talaga. Kailangan nila ako roon. Bumuntong hininga ako, hindi parin tinatanggal ang tingin sakanya. "Mag-uusap pa tayo, ah?"

"Opo,"

"Babalikan kita agad."

"'Wag mo'ng i-rush lahat. Ayusin mo yung taping. Balik ka kapag okay na lahat. Kaya ko naman, e." Dahan-dahan niyang sabi sakin. Halatang masama talaga ang pakiramdam niya. Ayoko tuloy siyang iwan. "Pwede namang pakiusapan ko si Aki na—"

"Ikaw ang mas nakaka-alam sa scenes dito. Diba nga dinivide niyo na?"

"I know, I know." Bumaba ang dalawa kong balikat. "Ayaw lang talaga kitang iwan." Gusto ko ng manatili rito. Ayoko na siyang bitawan.

"Kailangan ka na nga.." Sabi niya habang paos pa rin ang boses. "Pahinga ka, ha? Si Ate Cecil lang pwede rito. 'Di ko papapuntahin si Aki. Papatulongin ko siya samin." Matamlay na ngumiti siya. "Opo.."

"Pagaling ka, okay? Che-check kita from time to time." Sabi ko na naman.

Tumango siya at marahang tumawa. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo. "Balik ako."

"Malamang," Pareho kaming natawa. Nababaliw na nga siguro ako. Hinalikan ko ang kamay niya. Nagaalangan pa nga akong umalis pero kasi kailangan nga. Pagkababa ko, kinausap ko kaagad sila Ate. "Kayo na magbantay ate, please. 'Wag si Aki." Nagugulohan silang nakatitingin sakin. "Bakit naman?"

"Basta, nagkausap na kami. Kakausapin ko na rin naman si Aki, e. Basta painumin niyo agad ng gamot tapos pakainin. Pupunta-punta ako rito kapag may break."

Nagugulohan pa rin—tumango silang pareho. Nagkatitigan pa kami kasi parang 'di sila sanay saking ganito. "Basta, mamaya, sasabihin ko rin. Patulogin niyo nalang muna si Prim."


"Okay, okay.."

"Sige, alis na muna ako."

Dali-dali akong naglakad papunta sa set. Hindi naman kalayuan kaya madali lang. Nakahanda naman na sila at medyo nagulat pa si Nathan ng makita ako. "Bakit?"

"Bakit parang hindi na mainit ulo mo, Kuya?" May halong pagbibiro niya pang tanong. Umupo muna ako sa tabi niya kasi hindi pa naman agad magsisimula. "Medyo kalma na 'ko."

"Bakit nga?"

"Galing ako sakanya."

"Akala ko ba.... Akala ko ba 'di mo na mahal?" Umusog pa si Nathan sakin na para bang interesadong-interesado siya. Magkasundo kaming dalawa. Nung nasa eroplano nga, hindi niya na 'ko kelangang pilitin para magpalit kami. Hindi ko naman alam na si Prim pala 'yong katabi niya.





LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now