Middle

3.5K 185 55
                                    


**

"SO its been days since the last time you've seen him?" Tanong saakin ni Tricia by the phone. Sumandal ako sa upoan ko. "Yah. I don't understand why I'm feeling distracted." I told him honestly.

"I don't understand why girls doesn't understand." Napakunot ang noo  ko. What is he talking about?

"You love him. Bakit ang hirap intindihin kung ba't ka distracted?"

"Hmmm.. basta I'm almost done with the story."

"Wow, ba't ang bilis? Baka naman may mga loophole diyan ah?" Nakatingin ako sa screen ng laptop ko kung saan nasa last page na 'to. "Hindi ko pa nare-read, hindi ko pa nae-edit. In the whole week kasi I'm so focused ngayon lang na nagchi-chill ako nagkakaganito."

"Better be back on writing. Makakapag-focus ka na, makakalimutan mo pa siya."

"I think so.."

"Kumusta naman 'yong Aki na sinasabi mo? Hindi ba tine-text ka niya?"

"Yah," Si Aki. Kinukumusta niya 'ko. Hindi naman siya makapunta kasi siyempre alam niyang nagsusulat ako ngayon. Tine-text niya 'ko at sometimes, tinatawagan kapag nagtext na ko'ng okay na. Good thing ngang kinukumusta ako ni Aki kasi minsan nakakalimutan ko ng kumain, e. At oo, maligo rin. Gabi na nga ako minsan nakakaligo.Buti nalang mabango talaga ako. Char.

"He told me na sa London namin gagawin ang movie. Exciting, noh?"

"Yeah! Of course! We've been there 4 years ago?"

Pumunta kasi kami ni Tricia doon para magbakasyon.With his boyfriend. Sadly, wala naman na sila ngayon. Sad talaga kasi hindi pa siya nakakapagmove-on. Mag bestfriend nga kami. But in his case, mas masakit yata? Don't know. Mas masakit kaya kung may family na si Mavis?

Don't even think about it, Prim. Just the thought of him—having his own family—and it doesn't include me—shatters my heart.

"Yes.. they're all ready na nga eh. Except me. Haha."

"Why?"

"The story and then myself. To think na he will be there..."

"His presence is a must, Prim. He's the director, duh." Of course I know that! "Dapat kasi ako nalang 'yong hindi pupunta. I don't know why I have to be so necessary."

"Let me guess... kasi gusto niya andon ka?"

"Oh well papel, tinutulongan mo ko'ng mag-assume. Damn you."

"I know I'm not helping!"




AFTER naming mag-usap, nagsulat nalang ulit ako. It's already 4PM. Konting-konti nalang, matatapos ko na.

I love writing so much. Yung iiyak ako kapag may sinusulat akong sobrang sakit. Kapag may namamatay akong tauhan, kapag nasasaktan sila. Kapag may mga salitang naisulat ko na sobrang ganda. Naisulat ko rin dito ang mga linyang sobrang kong natandaan—na sinabi niya. Yung tula niya sakin? Yung nagkasakit siya? Tandang-tanda ko pa. Siguro magugulat nalang siya na natandaan ko 'yong sinabi nya't nagamit ko pa sa movie na 'to. Isa lang naman masasagot ko—mahal kasi kita. Hindi niya alam na may inihanda akong tula non. Akala niya wala? Akala niya siguro isang pagpapahiwatig 'yon na hindi ko siya mahal. Mali. May ginawa ako. Kaso noong narinig ko na 'yong tula niya? Naisipan ko'ng 'wag nalang sabihin. Para saan pa? Nasaktan ko na siya. Isa 'yon sa halimbawa na hindi niya 'ko deserve. Hindi talaga. Kahit kailan hindi.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now