Chapter 4~SuperMarket

6.7K 152 28
                                    

=REVISED & EDITED=

Matthew's POV

Nagulat ako ng makita ko si Ally na kasama si James sa Supermarket. Kasama ko ngayon si Joanna bumibili kami ng mga ingredients para sa gagawin niyang cookies and cupcakes mamaya. Mahilig kasi si Joanna magbake lalo na kung wala siyang magawa lagi mo siyang makikita sa kusina na nagluluto o nagb-bake.

" Hey, Hon. Are you okay? May problema ba? Bakit ganyan ang mukha mo?" Sunod sunod na tanong ni Joanna na may pagtataka sa reaksiyon niya

" Uh Hon . Wala may naalala lang ako. Come let's go at the counter. I'm excited to taste your baked cupcakes and cookies Hon." Nginitian ko siya pagkatapos ko siyang bigyan ng matamis na halik sa noo niya.

Bigla syang napangiti at nakita ko siyang nag blush.

" Talaga Hon. Awww your so sweet. I love you Matt."

" I love you too , Joanna"

I kissed her in the lips but smack lang.

' Mamaya na lang ulit... #SOLOTIME'

" Hey Mr. Ferrer nakakadami ka na ha"  sabi nya na ngiting ngiti at bahagyang namumula ang kanyang mga pisngi

Magsasalita sana ulit ako ng biglang may nagsalita sa bandang kanan namin ni Joanna.

"Oh. Hi Sir Matthew kamusta na po?"
Si James kasama si Ally nakita ko ulit sila dito sa Counter. Kanina ko pa sila nakita pero hindi ko lang sila pinansin, iyon pala hanggang sa Counter magkikita parin kami. 

'Bakit nga ba sila magkasama?'

"Hi James. Okay lang naman. May binili lang kami for the  cupcakes na ib-bake ni Joanna"sagot ko at hinapit ko sa bewang si Joanna na ikinagulat niya ng bahagya.

" Ah ganon po ba Sir Matthew. Sweet boyfriend po talaga ah."nakangiting usal niya

" Dont call me Sir. Wala naman tayo sa trabaho " saad ko " It's fine. Ganun talaga kailangan maging sweet kundi magtatampo si Joanna at hahampasin ako haha" pabiro kong sabi.

" Hey , Hon grabe ka sakin. I Hate you." Joanna said tsaka nag pout at tinalikuran ako

" Sorry na . Don't hate me , just love me Joanna. " bigla na namang namula ang mga pisngi ni Joanna na halatang kinikilig sa akin.

' Iba talaga ako magpakilig... Ang gwapo ko talaga...' napapa iling kong sabi sa utak ko

" Tigilan mo nga ako. Hhmmmpp!" naiinis na sabi niya pero namumula parin ang mga pisngi nya. Mas gumaganda sya.

Saglit namang natigilan si Joanna nang titigan niya si James.

"Wait... James?? The guy from College?" Biglang tanong ni Joanna. Haha! Mukhang di pa niya naaalala si James ang dati naming classmate nung College.

" Yes Ma'am! Haha! Ngayon mo lang ako na recognize. Grabe kayo sakin kinalimutan niyo na ako huh." pabirong sabi ni James

" Haha! Sareh naman. Naaalala ko na ikaw ang ultimate Crush sa room natin, gustong kang tabihan ng mga classmates nating babae kaso swertihan na lang kung sinong makakatabi sayo."

" Kaya nga, kaso matagal na 'yon, swerte ko kasi maganda, mabait at matalino nakatabi ko haha!"nakangiting kumindat si James

Magsasalita sana ako, pero biglang nagsalita si James.

"Ally we need to go. Nabayaran ko na lahat ng mga binili natin."

" Ah okay. Thanks James. Dapat 'di mo na lang binayaran may dala naman akong pera." sabi ni Ally na hindi makatingin samin ni Joanna. Bakit kaya?

" Matthew mauna na kami. Magluluto pa----" biglang pinutol ni Ally ang pagsasalita ni James.

" Magluluto pa kasi KAMI. Sige Sir Matthew , Joanna una na kami. " mabilis na tumingin sakin si Ally pero umiwas agad ito nang tingin. Bigla na lang silang umalis ni James at ang huli kong nakita ay 'magkahawak sila ng kamay'?!

'May relasyon ba silang dalawa??' hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang may kung ano sa puso ko ngayon...

" Hon tayo na yung next. Ano na naman bang iniisip mo?" sinundot ako sa pisngi ni Joanna dahilan para muling bumalik ako sa ulirat ko.

" Hon, iniisip kita. Masama na bang isipin ka ngayon?  'Wag ka nang magtampo Hon, okay? Halika na Ipapunch na natin yung mga pinamili natin para makauwi na tayo at makapagluto ka na. Okay?."mahinahong sabi ko pa kay Joanna at tsaka ko siya hinalikan sa noo.

" Excuse me. Sorry to disturb you but can you just make punta there sa counter. Coz kanina pa kami naghihintay here. " halatang iritang irita na pagkakasabi ng babae sa likuran namin.

Sasagutin sana ni Joanna but I stopped her. Ayaw ko nang palakihin pa ang maliit na gulo.
Kaya naman pumunta na lang kami sa counter para ipapunch ang mga binili namin matapos nun ay binayaran ko na ang lahat ng pinamili namin.

Paglabas namin ng Supermarket agad kaming pumunta ni Joanna sa kotse ko at pinagbuksan ko siya ng pinto. Bago pa man ako makasakay sa kotse ko, bigla ko na namang naisip si Ally.

'Sana makita ko ulit si Ally...'

Teka anong sinabi ko? Bakit ba siya ume-eksena sa isipan ko?

Ano ba tong nararamdaman ko. Tch! Ang weird!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

    Joanna's POV

Papunta kami ngayon ni Matthew sa Supermarket kasi gusto kong magbake ng Cookies para kay Matthew. Kaya nag request ako sa kanya na bumili ng ingredients para naman makapag bonding kami.

Pero laking gulat ko ng biglang nakita ko si--si Ally. May kasama siyang lalaki na parang pamilyar sakin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya huling nakita.

Hanggang sa lumapit sila Ally sa amin sa may counter kaya wala na akong nagawa kundi ang makinig sa kanila.
Nagkita ulit kami ni Ally ang bestfriend ko pero ngayong nagkita ulit kami , kasama ko naman ang Boyfriend ko na First Love niya. Kaya feeling ko tuloy ako ang naging dahilan kung bakit nalulungkot si Ally noon at ngayon. \

'I feel sorry for her...'

Nakatingin lang ako ng diretso kay Ally at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Parang may luhang gustong tumulo kahit anong oras pero nakakayanan niyang pigilin ang mga ito.  Gusto ko sanang yakapin ang Bestfriend ko para patahanin siya pero , wala akong karapatang patahanin siya kung ako mismo ang dahilan kung bakit siya naiiyak at umiiyak.

Hindi ko man gustuhin ang mga nangyayari pero mahal ko talaga si Matthew at mahal din niya ako kaya ngayon mas uunahin ko na ang sarili kong karapatan kaysa sa kanya. Dahil dati nung College palang kami siya ang laging masaya at ako ang tumutulong sa kanila para magkaroon sila ng spark at connection ni Matthew. Pero sadyang hindi makita at maramdaman ni Matthew na may gusto si Ally sa kanya dahil hindi naman showy si Ally unlike other girls.

Masyadong mapaglaro si Tadhana. Gusto kong tulungan si Ally para maging sila ni Matthew.
Pero hindi ko inaasahang ako pala ang mahuhulog kay Matthew kaya naman ngayon na Boyfriend ko na siya hindi ko na siya papakawalan pa. Ngayon na siguro ang tamang pagkakataon para ako naman ang sumaya.

Sorry Ally... Pero tao lang din ako, nagmamahal. This time ako naman ang magiging masaya , this time ako naman ang magmamahal.. This time ako naman ang mamahalin...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~   
Thanks for reading .
Please Vote and Comment.
Comment for  the Next Chapter

^_^

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now