Chapter 14~ Mysterious Guy

5.5K 89 2
                                    


Mysterious Guy's/ OH So HOT Guy's POV

Andito ako ngayon sa may garden kausap ang tropa ko pati na ang ex-girlfriend ko.
Mamaya pa kami uuwi ng tropa ko magpapakasaya muna kami at maghahanapp ng mga chicks. Hindi naman dapat talaga ako kasama sa paghahanap ng mga chicks ng tropa ko,trip ko lang sumama dahil minsan na lang din kami magkita-kita.

Boring naman kasi kapag mag-isa.

Inaalala ko ngayon yung babaeng tinulungan ko kanina, kamusta na kaya sya?

~~>>

FLASHBACK

Nasa cottage lang ako nakaupo, balak ko na sanang umalis pero may nakita akong isang babae na papunta na sa malalim na parte ng dagat. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tumigil na ang babae sa malalim na parte ng dagat.

Maya-maya pa nakita ko na lang na may malaking alon at nakita kong tinangay ang babae at hindi na nakalangoy, ang tanging nakikita ko na lamang ay ang dalawa nyang kamay na tila para bang humihingi ng tulong.

Tumingin ako sa paligid ko at walang nakatingin o nakakapansin man lang sa kanya kundi ako lang.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na lumangoy para tulungan siya.

Sinubukan kong mas bilisan pa ang paglangoy at kalabanin ang pwersa ng mga alon na humahapas sakin.

Nang makita ko na siya agad ko syang inakay at dinala sa pampang.
Nakita ko na hindi na siya humihinga kaya susubukan ko sanang i-mouth to mouth CPR siya baka sakaling makatulong, pero hindi ko pa man nalalapat ang mga labi ko sa dalaga ay may tumulak naman agad sakin.

" Umalis ka dyan, ako na!!" sabay tulak sakin ng isang lalaki na kakaahon lang din galing sa dagat. Hindi ko na lang pinansin ang pagtulak nya sakin, dahil kitang kita sa mukha nya ang pagaalala.

Akma na nyang ilalapit ang mukha nya sa babae para i CPR pero bigla naman itong nagkamalay.Tinawag naman na ako ng kaibigan ko,kaya umalis na ako agad.

END OF FLASHBACK
<<~~

"Oy pare,lalim ng iniisip mo ah,tigilan mo na muna yan may naghahanap sayong dalawang chicks sa Garden."
sabi ni Anthony kaibigan ko.

"Kakilala mo ba yun? Ngayon ko lang kasi nakita 'yong mga pagmumukhang 'yon" sabay irap ng Ex ko.

Oo naging GF ng tropa ko yung Ex ko,lupet diba?

" Sino ba 'yong sinasabi nyo? Wala naman kasi akong kakilala dito sa resort kundi kayo lang." may pagtatakang tanong ko.

Sino naman kaya yung dalawang babaeng yun?

" Alam mo pre, kung ako sayo pumunta ka na sa Garden para malaman mo kung sino yung dalawang chicks na naghahanap sayo!" sigaw naman sakin ni Altair ka-tropa ko din.

'Di ko na siya pinansin at lumabas na agad ako ng cottage namin at pumunta na sa garden.

***
Garden

Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako sa dalawang babaeng nakatalikod sakin at nakaupo.

Malay ko ba? Baka nanti-trip na naman yung mga katropa ko.

Biglang nabasag ang napaka Peaceful na katahimikan ng biglang ........

May tumiling bakla na halos kalapit lang ng dalawang babae sa harapan ko, nakaupo na ako sa bench dito kung saan halos magkalapit lang kami ng dalawang babae na sinasabi ni Anthony.

" KKYYYAAAHHHHHHH!!!!!!!! EMEGED !!! SHOCKS! May gwapong nilalang pala dito aba dito na lang kami laging mag-a outing kung ganun! KYAHHH!!" tili pa ng isang kasamahan ng baklang tumili kanina, this time babae naman ang tumili. Hay nako naman nakaka BASAG eardrums kayo!!

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now