Chapter 6~Coffeeshop

6K 132 0
                                    

=REVISED & EDITED=


  Joanna's POV

Andito ako ngayon sa Starbucks. I'm waiting for someone na makakatulong sakin para makausap ko si Ally.

Kahapon I just got his number sa mga papers ng mga nagtatrabaho kay Matthew. And lucky to say na pumayag siyang makipagmeet sakin ngayon.

*****After 15 mins.*****

Kanina pa ako naghihintay sa kanya ng biglang tumunog ang windchimes na nakasabit sa may pinto. Meaning na may taong pumasok dito sa coffeeshop. Napatingin ako sa pinto and finally he's here.

" Uhm , sorry kung na late ako. May importante pa kasi akong inasikaso." sabi niya na mukhang pagod na pagod.

"You may take your sit. James tumakbo ka ba or sumakay ? " nacurious lang naman ako kaya ko na tanong.

" Sumakay ako but nilakad ko na lang papunta dito kasi kung hihintayin ko pa umusad ang traffic baka anong oras na ako dumating. Bakit may problema ba?" tanong ni James habang kitang kita kong tumutulo na yung pawis niya

"  Excuse me , waiter"  itinaas ko ang isa kong kamay at tsaka lumapit sakin ang isang waiter

" Yes Ma'am. What can I do for you?" magalang na sabi ng waiter.

"Can I have tissue and 1 glass of water and 2 Cappuccino, thanks. "

" Okay Ma'am. " habang nililista ang order ko.

" Joanna, 'wag mo na kong ibili ng Cappuccino. It's fine. "

" No , It's fine James. Treat ko naman for now. So btw, about kay Ally. I want you to help me. " diretso ko siyang tiningnan. Eye to Eye para mas dama

" What kind of help , Joanna?"nagtataka nitong tanong

" Gusto ko sanang makapag usap kami ni Ally. Next week.
Gusto kong iexplain sa kanya lahat lahat. So what do you think? Can you help me?"sagot ko sa kanya ngunit hindi ko sinabi kung ano talaga ang pag-uusapan namin ni Ally. The topic is just between Ally and I at hindi na niya kailangang malaman pa iyon.

" Pwede kong sabihin ito kay Ally. Pero hindi ko maipapangako na makakapunta siya next week. As far as I know busy kasi siya. "walang pag-aalinlangang sagot ni James.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang waiter at nilapag ang inorder ko sa table namin.

" Thanks " I said tsaka umalis ang waiter after ko magbayad.

" So back to our topic. Basta masabi mo lang kay Ally it's her choice kung pupunta siya or hindi. Just tell her na maghihintay ako " I said in a low tone.

" Pero paano ba kayo nagkakilala?" tanong sa akin ni James

" Kaano ano ka ba ni Ally? " hindi ko sinagot ang tanong niya at ibinaling ang tanong kay James. As far as I know naging seatmate niya lang naman si Ally.

Kasi eversince na naging magbestfriend kami ni Ally nung College. Never niyang nabanggit ang pangalang James. Wala din naman siyang nakukwento sakin dahil serious type of student si Ally noong nag-aaral pa lang kami. At alam kong hindi siya mahilig makisalamuha sa mga tao.

Biglang natigilan si James sa tanong ko. At uminom ng Cappuccino nya.

" I'm just her friend." biglang napangiti si James.

Anong meron sa lalaking ito , at napapangiti ng walang dahilan? Baliw lang?!

Suddenly my phone rang. I looked at the screen to see who's calling. Si Matthew.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now