Chapter 57~ Unprepared Hindrance

4.2K 53 13
                                    

Ally's POV

2 weeks had passed but still hindi parin ako nakaka move on sa mga nangyari this past few weeks. Sobrang overwhelmed ako that time. Sobrang efforts ang ginawa ni Matthew para lang sa proposal niya sakin.

I remembered the little boy who gave me those beautiful flowers at the airport which is nakita ko din that day sa bahay ni Matthew. Kasama siya sa mga saksi sa proposal ni Matthew. I was definitely shocked by the truth when they revealed  na si Clyde, yung batang cute na 'yon ay anak nila James at Julie. Kaya naman pala sobrang cute at gwapo ng batang 'yon kasi may pinagmanahan.

Napangiti na lang ako sa naisip ko. Until now ang saya saya ko parin. Well, may usapan kami ni Matthew ngayon. Sabi kasi niya kahapon may pupuntahan kami kaya naman maaga akong nagising para makapaghanda na dahil ayaw kong paghintayin nang matagal si Matthew.

After a few moment narinig ko na ang pagbusina ng kotse ni Matthew mula sa labas ng bahay kaya naman agad kong kinuha ang sling bag ko mula sa kwarto at muli akong nagpabango bago lumabas ng bahay.

"Hi there, beautiful!"masayang bati niya matapos bumaba mula sa kotse

"Hello there, handsome!"ginaya ko naman ang tono ng pagbati niya sakin kaya naman nagtatawanan kaming dalawa na pumasok sa loob ng kotse niya.

"Ready ka na ba?"

"Saan?"walang ideyang tanong ko

"Sa roadtrip?"nakangiting aniya

"Sure!!!! Ako pa ba? "energetic kong sabi

Nagsimula na siyang magmaneho habang ako ay walang kaide-ideya kung saan kami pupunta. Hindi naging tahimik ang byahe namin dahil naguusap kami habang nasa byahe. We talked about the things that we wanted for our wedding SOON..

Actually, 2 weeks na lang ang natitirang time namin para sa preparation ng wedding. Napag planuhan kasi namin na next month kami magpapakasal. Not yet sure about where the venue would be held. Dahil busy kami sa mga ibang bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin para sa kasal. Nag-iisip din kami ng mga mottifs para sa mga bisita na aattend sa kasal namin. Isa din sa mga napag usapan namin ang tungkol sa reception.

Hindi ko gusto ng bongga, okay na ako sa simple lang basta kasama ko si Matthew sa kasal at habang buhay, magiging masaya na ako. Mas lalo akong napangiti sa iniisip ko.

"Babe,nakausap mo na ba yung mga ii-invite mo para sa wedding natin?"

"Not yet Babe, pero nakausap ko na din naman yung iba. Konti lang naman ang mga bisita na pupunta sa side ko."natawa ako ng mahina habang nakatingin sa kanya dahil mukhang nagtaka pa siya. Hindi na siya dapat nagtataka dahil first of all konti lang ang mga kamag anak kong kakilala ko. Sila Bes, Kuya Nate at Kuya Liam lang talaga ang pinaka importante na makaattend ng kasal ko.

"Well then balitaan mo na lang ako about sa guests natin, Babe. "

"Ofcourse Babe"I smiled at him as he held my hand and intertwined his fingers to mine.

After an hour we've reached our destination. Bumaba na kami mula sa kotse. The place was very amazing. An ganda ng resort na 'to. Ang ganda ng view, napaka pino ng buhangin, ang sarap sa feeling ng paglapat ng malamig at malakas na hangin sa balat ko, ang tunog ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan at ang magandang view ng ulap sa itaas.

"How was it?"Matthew asked me while hugging me behind habang nakasandal ang baba niya sa balikat ko.

"Perfect" mahina ngunit bakas ang pagkamangha sa boses ko

"Absolutely..."pagsang ayon niya

"So, anong plano mo Mr. Ferrer? Why did you brought me here?"

"In just a couple of minutes they'll be here. Just wait and enjoy the beautiful scenery."kinindatan niya ako at hinalikan sa cheeks

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon