Chapter 45~ Mom

3.3K 69 0
                                    


Ally's POV

Nandito kami ngayon ni Mama sa favorite restaurant namin. We're enjoying our moments together... 2 days na lang kasi aalis na si Mama. Sad to say na hindi siya pwedeng mag-stay dito sa Pilipinas dahil may inaasikaso siya sa US. Kaya naman super enjoy kami ni Mama. Mother and Daughter Bonding Moments!!!

"Mama, I'm very happy dahil finally nakabalik din po tayo ulit dito. I thought we're not going to be back here again."

"Oo nga, nak. Hopefully makabalik ulit ako next year para pumunta ulit tayo dito. Hindi parin nagbabago ang mga dish nila dito. Masarap parin, nadagdagan pa." Nakangiting sabi ni Mama

I smiled at Mom and we continue eating.

=AT THE MALL=

Nasa loob kami ng isang boutique. Madaming original clothes na binebenta dito. Classmate ko dati ang may-ari ng boutique na to kaya naman may discount. Hehe!!!

"Mom, let's go shopping! Shopping! Shopping!!!" natatawang sabi ko pa.

"Shopping!" tumatawang sabi ni Mama.

After an Hour

"Mom, bagay po ba?" tanong ko kay Mom habang suot ko ang sinukat kong Blue dress na 2 inch above the knee with silver belt..

"Wonderful, Ally. My precious daughter."

"Thanks Mom, I'll buy this na din. May napili na po ba kayo?"

"Ofcourse! Ako pa." Sabay kindat ni Mama

Nasa counter na kami para bayaran ang mga pinamili namin. Paglabas namin ang dami naming bitbit na shopping bags. Super nag enjoy ako sa bonding namin ni Mama...

We decided na umuwi na dahil mag gagabi na. Naglakad pa kami ni Mom papuntang exit ng Mall. I can see the exit door nang biglang may nakasalubong kami.

"Hi Ally! Nandito din pala kayo." *Smiles* "Hi Tita Alexa. Good evening po."

"Good evening din Hijo." nakangiting sabi ni Mama

"Hello Matthew. Ah yeah, actually pauwi na din kasi kami. We gotta go." Nginitian ko na lang din siya.

" Talaga? Me too. Tara hatid ko na kayo." He offered

"No, okay lang we're fine." Pagtanggi ko pa, tiningnan naman ako ni Mom na parang nagsasabing 'Say Yes'

" I insist. Come on. Para hindi na rin kayo mahirapan ni Tita sa mga dala niyo." Pagpupumilit parin ni Matthew.

"Tara na Ally, 'para hindi na kayo mahirapan ni Tita sa mga niyo'." Panggagaya pa ni Mom " His your Boss, right?"

I just let out a deep sigh then sumunod na sa parking lot at sumakay na sa kotse ni Matthew.

Alexa's POV (Ally's Mom)

Kakasakay lang namin dito sa kotse ni Matthew. Mukha namang mabait itong si Matthew. Hindi ito ang unang pagkikita namin, hindi kami nagkita dati nung araw na dapat ay ipapakilala siya ni Ally sa akin dahil may meeting pa daw siya. Pero matagal ko na siyang kilala.

Dati na siyang nakukwento sakin ni Ally. Dahil sabi ni Ally, crush daw niya si Matthew nung mga oras na nagkukwento siya sakin. Close na close kami ng anak kong si Ally. Alam kong may mga bagay siya sinisekreto para sa sarili niya, pero ako ang laging niya nilalapitan sa tuwing may mga problema siya o ikukwento siya.

Dumating ang araw na may nakilala na siyang bestfriend niya at yun ay si Joanna. Kaya naman masaya ako para kay Ally dahil nakahanap na siya ng tunay na kaibigan na handa siyang tulungan at suportahan sa lahat ng bagay. Naging close din kami ng bestfriend niya, kung minsan pa nga ay nakikitulog si Joanna sa amin noong nakatira pa kami sa dati naming bahay at hindi pa ako pumuntang US.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now