Chapter 40~ Picture

4.1K 71 2
                                    

Ally's POV

*Kriiiinnnggg!!! Kriiiinnnggg!!!*

Nakapikit kong sinagot ang tawag.

"H-Hello?"

"Ally nasan ka na? Papasok ka ba? Late ka na uy!" Agad naman akong napamulat dahil sa sinabi ni James. Oo, siya yung tumatawag. Boses pa lang eh.

Agad akong tumingin sa orasan at Gosh! 11:30 na! Late na talaga ako! 6 AM kasi dapat nasa airport na ako. Agad naman akong tumayo at naligo.

*Airport*

Sa wakas nakarating din... whooo!!!

"Hi! Ally!" Nakangiting bati sakin ni James.

"Hello! James!"

Nakita ko namang papalapit sina Julie at Anne.

"Bakit ka naman late? Kanina ka pa hinahanap ni Sir" sabay pabirong batok sakin. Loko-loko talaga.

Pero teka? Ako? Hinahanap ni Sir Matt? Bakit naman kaya??

"Sure ka hinahanap ako?" Paninigurado ko pa

"Oo, Ally. Kanina pa nga eh." Sabat naman ni James.

'Ano naman kayang kailangan sakin ni Matthew?'

Agad naman akong pumunta sa office niya dahil nandun naman all the time yun. Kung walang meeting nandun sa office niya lagi yun.

Agad naman akong pinapasok ni Rachael, siya yung Assistant ni Matthew.

"Good Afternoon Sir, sorry I'm late Sir. Pinapatawag niyo daw po ako?" Sunod-sunod kong sabi habang dahan dahan ako lumalapit sa kanya.
Siya prenteng prente paring nakaupo sa swivel chair niya habang may hawak na ballpen at iniikot ikot.

"It's fine. Take your seat. I just wanna talk to you."

"A-Ano po yun?" hindi ko alam kung bakit kaylangan ko pang mautal...

" Kinausap ako ng mga kapatid mo. At alam mo bang kagabi pa ako kinukulit?!" Parang inis na sabi pa niya. " Hindi naman kita matawagan, naka off yata yung phone mo kagabi."

'Ang dami naman niyang speech ano ba talagang sinabi nila Oppa sa kanya?'

" So anong napag usapan niyo?"

"Huh! Hindi makapaghintay ah!" Nakangising sabi niya habang diretsong nakatingin sakin.

*Tug Dug Tug Dug Tug Dug *

'Bakit ganyan ka na naman tumibok ha? Aish!'

"Tss..."

"Sa Butterfly Garden daw kayo magkita-kita. At dahil doon na din naman ang daan ko mamaya ihahatid na lang kita para sure na safe ka."

"O-okay! Sige mauna na po ako." Sabi ko tsaka lumabas ng office niya.

Buti na lang hindi ako naka assign sa eroplano... Every month kasi may shifting ng schedules ng mga Flight Attendants. Kaya ngayong month dito muna ako mag aassist ng mga passengers.

"Ano daw sabi?" Bungad naman agad ni Julie

"Wala naman. Tungkol lang sa kapatid ko."

"Kapatid mo..." ulit naman ni Anne

Tiningnan ko na lang sila na parang hindi interesado dahil ayoko nang mag explain sa kanila. Pumunta na ako sa assigned place ko.

Maya-maya pa may lumapit sa akin na parang halos ka edad ko lng siguro or mas bata pa sakin ng konti.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon