Chapter 12~ 1st Anniversary ( CHLOE &JL)

5.6K 92 2
                                    


JL's POV

Hi! I'm JL Kent. Boyfriend ako ni Chloe at kakarating lang namin sa resort nila. Excited na ako para sa surprise ko para kay Chloe kasi 1st Anniversary namin ni Chloe. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagtagal kami ni Chloe. Syempre naman good boy ako eh.

Pero sa kasamaang palad yung twin brother ni Chloe na si Kuya Matthew ayaw sakin, pati yung parents nya. 22 sya nung sinagot nya ako at hanggang ngayon ay ayaw parin ng Kuya niya sakin. Pero sinusuyo ko naman ang parents ni Chloe dati pati ang Kuya nyang may pagka short tempered (ssshhh!!!) at laging mainit ang dugo sakin. hayss..

Buti na lang naging maayos na din naman ang pakikitungo sakin ng parents nila Chloe bago nangyari yung bagay na 'yun.

Pero mamaya hihingi ako ng tulong kay Kuya Matt para naman mas maging maganda ang preparation ng surprise ko sa kanya.

Nagpatulong din ako kay Ate Denise pero ayaw nya din naman akong tulungan. Palibhasa kasi ayaw nya kay Chloe mas gusto nya para sakin yung Best friend nya na di ko naman type at di rin bagay para sakin. Pihikan kaya ako sa mga babae at ang napili ng aking pihikang puso ay si Chloe, si Ate Denise kasi pawikan yun, pinili ba naman yung boyfriend nya ngayon na si Kuya Charles. ssshhh lang kayo, magkatunog naman kasi ang pihikan at pawikan. nalito lang naman ako.

Ngayon pupuntahan ko muna si Kuya Matt para naman magpatulong, kakatapos lang namin mag ayos ng mga gagamitin namin mamaya ni Chloe ,si Chloe naman nilalantakan na ngayon yung cupcakes na dinala ni Ate Joanna. Favorite talaga nya, sabi ko nga sa kanya hinay hinay lang baka naman mabulunan na sya.

Pumunta na ako kay Kuya Matt.

"Kuya Matt pwede po bang magpatulong?"

"Wag mo akong tawaging Kuya Matt di tayo close, ano bang klaseng tulong? Makikipagbreak ka na ba sa kapatid ko ha?"

Ang sungit naman ni Kuya. Aba! Hinding hindi mangyayari yun noh.

" Mali po kayo Kuya Matthew hindi po ako makikipagbreak kay Chloe, magpapatulong po sana ako sa surprise ko para kay Chloe, dahil 1st year anniversary na po namin. "

(" Ah ganun ba? Ginawa mo pa akong taga tulong ganun? Wala din akong pake kung anniversary nyo. Ikaw ang gumawa ng paraan mag-isa mo!")
Joke lang,naiisip ko pa lang na iyan ang sasabihin ni Kuya Matt.

"Sige ba sabihin mo na lang yung plano sakin, tapos tutulungan ka namin ng mga kaibigan ko.
Pero seryoso ka ba talaga sa kapatid ko? Wag na wag mo syang sasaktan kundi talagang lagot ka sakin JL."
Madiing sabi ni Kuya Matt sakin.
" Opo Kuya Matthew mahal na mahal ko po si Chloe at hindi ko po sya sasaktan, seryoso po ako at tapat na nagmamahal kay Chloe kaya po sana ay pagbigyan nyo ako."

Hala ka! Napakagalang ko talaga, biglang gumalang ng wala sa oras , kabado kasi masyado pero para kay Chloe gagawin ko lahat.

" Siguraduhin mo lang JL,sige pagbibigyan kita. Bibigyan kita ng chance para mapakita mo sa akin na talagang sincere at mahal mo talaga si Chloe. Pero kung hindi mo napatunayan yun I'm sorry pero baka hindi na talaga kita matanggap."

Yeessss!!! Gagawin ko lahat para sa amin ni Chloe.

" Opo Kuya Matthew salamat po sa chance na binigay mo sakin, I will do all my best, Thanks"

Ngayon sobrang saya ko talaga atlast nabigyan din ako ng chance. Sinabi ko na kay Kuya kung anong plano namin para kay Chloe, I hope na maging successful ang plano. Thank god!

*****

CHLOE'S POV

Kakatapos ko lang kumain ng cupcakes ni Ate Anna. Yey! It's super yummy talaga. Kaya ko nga naging favorite, Omo!  I like pa pero ubos na. :( Huehue!!

My Boss Is My Future Husband ♥∞Onde histórias criam vida. Descubra agora