Chapter 7~Stalker

6.2K 140 2
                                    

=REVISED & EDITED=

Ally's POV

Kakaout ko lang sa trabaho ko. Sumakay ako ng jeep at nagbayad sa driver. Maya-maya pa , may kakaibang pakiramdam ang bumalot sa kabuuan ko.

' Bakit parang kinikilabutan at kinakabahan ako?'

May parang kakaiba akong nararamdaman kanina pa. Simula ng pagkasakay ko dito sa jeep,parang may nakatingin sakin.

Maya-maya pa, nagpara na ako at bumaba. Pumasok na ako ng building kung nasaan ang Condo Unit ko.
Parang may nakatingin talaga sakin kanina pa, lumingon ako sa likuran ko pero lahat ng tao sa likod ko ay may kanya kanyang  ginagawa at walang nakatingin sakin.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa loob ng bag at agad akong nagtext kay James. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor number ng unit ko.

(Ting!)

Tumunog na ang elevator hudyat para lumabas na ako. May nakatingin parin sakin kanina kahit nasa elevator na ako. Medyo madami kami kanina sa elevator pero wala namang kakaibang nangyari.

Binukasan ko na ang pinto ng Unit ko at pumasok na.
Biglang nagvibrate ang Cellphone ko at in-open ko ang message ni James.

From:James

Okay sige. I'm on my way. Just stay there,'wag ka ng lumabas ng unit mo okay?

After a while may biglang may kumatok at sinilip ko muna sa butas ng pinto kung sino iyon. Nakahinga na ako ng maluwag ng nakita ko si James. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinaupo muna sa sofa.

"Bakit Ally ano bang problema? Are you alright?" agad na tanong ni James sa akin pagkaupo pa niya

"Kasi habang paakyat ako kanina papaunta dito sa unit ko galing sa Airport kasi kakatapos lang ng duty ko. Feeling ko may nakatingin sakin at kanina pa ako sinusundan. Hanggang sa makarating ako dito sa tapat ng unit ko may sumusunod parin sakin pero wala naman akong nakikitang tao. It's just so weird! Okay lang naman ako. Wala namang nangyari sa akin. Pero natatakot ako James." hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako takot sa multo o kung anoman but based on my past experience hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari ulit 'yon.

Sadyang mababaw ang luha ko, hindi ako yung tipo ng tao nakayang itagao ng buong buo ang mga nararamdaman ko. Hindi ako kasing tatag ng ibang mga babae. Minsan hindi ko kayang i-handle at pigilan ang mga kinikimkim ko sa kaloob-looban ko kaya minsan naiiyak na lang ako.

Bigla naman akong niyakap ni James at pinatahan. Hindi na ako pumalag sa pagkakayakap niya, habang pinipigilan ang sarili ko na huwag ng umiyak. I hugged him back dahil pakiramdam ko pinapakalma ako nang mga yakap niya. I feel safe in his arms.

" Husshh.... Stop crying Ally. Andito lang ako,para sayo. Stop crying. You're safe... DOn't worry" aniya habang hinihimas niya ang likuran ko.



~~After A While~~

Huminto na ako sa pag-iyak at nag suggest si James na magluto na lang kami. Nagluluto si James ngayon ng Carbonara. He insisted na siya na lang daw ang magluluto at maghintay na lang ako. Kaya naman wala na akong nagawa kundi panoorin na lang siyang magluto.

Pagkatapos makapagluto ni James, habang nilalagay ni James sa bowl ang Carbona ako naman ang naghahain sa lamesa.

Umupo na kami at nagsimula na kaming kumain. Masaya kaming nagkwentuhan ni James.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon