Chapter 27~Overnight

3.9K 80 2
                                    

Jacob's POV

"Insan matutulog na ako ah,nakakapagod yung biyahe kanina eh."
sabi ni Ally habang humihikab pa.

"Sige lang Insan,pagod din ako eh. Good night. Diyan ka na lang matulog sa kama dito na ako sa lapag."

" Wag ka na diyan matulog dito ka na lang sa kama baka malamigan ka diyan eh."

Hindi na akong nag-alangang pum
unta sa kama.

" Pero wag kang magulo,kundi tatalian talaga kita." aniya sabay harang ng unan sa gitna namin.

"Oo naman ako pa." sana nga hindi ako maging magulo matulog ngayon.

***

Third Person's POV

(KINAUMAGAHAN)

Bigla  naalimpungatan si Ally dahil sa panaginip niya na si Joanna daw ay mawawala na lang bigla tapos si Matthew naman ay pilit na  hahanapin siya pero  isang araw ay hindi na nakita pa si Matthew at pinaghihinalaang  namatay na ito.

'Aish! ano ba namang klaseng panaginip 'yon' sa isip-isip ng dalaga.

Hindi muna iminulat ng dalaga ang mata nito dahil inaantok pa siya,pero nang maramdaman niyang hindi siya makagalaw ng malaya at tila parang may mabigat na nakapatong sakanya.

Idinilat niya ang isa niyang mata 0__- sumunod naman ang isa 0__0

" AAAHHHHH!!!" agad namang pilit na itinulak palayo ang paa ni Jacob na prenteng nakansandal sa mga paa niya habang nakayap namang natutulog ang pinsan niya.

Hindi parin humihinto sa pag-sigaw si Ally kaya't nagising naman ang kanina'y payapang natutulog na si Jacob.

" Ano bang problema mo Ally? Ang aga-aga sumisigaw ka diyan!"pasigaw na sabi ni Jacob habang nakapikit parin ito.

" GUMISING KA NA NGA DIYAN! ANG SABI MO DI KA MAGIGING MAGULO MATULOG NGAYON!"

" Hindi naman na ako magulo matulog ngayon ah?" sabay dilat na sabi nito.

"HINDI PALA MAGULO AH! PAGKAGISING KO YUNG PAA MO NAKASANDAL NA SA PAA KO TAPOS NAKAYAKAP KA PA SAKIN!" sabi pa niya sabay tumayo at lumayo sa kama " NAKAKAINIS KA TALAGA!!! " pinaghahampas niya ang binata sabay namang pumasok sa loob ng kwarto si Anthony na mapapansin mong ayos na ayos.

" Ano ba 'yan? Bakit kayo nagsisigawan? Ally tama na! Wag kang manghampas baka masuntok ka ni Jacob."

pag-awat naman ni Anthony at pumagitna siya sa dalawa.

***

Jacob's POV

Nagising ako dahil sa sigaw ni Ally, nung una hindi ko muna iminulat ang mata ko,pero nung pangalawang beses siyang sumigaw at nakaka basag eardrums na tiningnan ko na siya at hindi sinasadyang nasigawan.

Pano ba naman kasi nanggugulo,ang sarap kaya matulog tapos guguluhin niya yung peaceful sleep ko.

----

Nandito na kami sa may sala,buti na lang dumating si Anthony para magdala ng breakfast samin,salamat na lang dahil napigilan niya ang beastmode kong pinsan na kahit maaga pa lang sumisigaw na.

" Ally,sorry na" pag lalambing ko sa kanya,hindi pa ko kumakain kahit gutom na ako, gusto ko magkabati muna kami.

" Tse! Ewan ko sayo!" aniya sabay tikhim ng tinapay na may strawberry jam.

" Sorry na nga,napasarap lang yung tulog ko eh."

" Oo na lang,kumain ka na lang diyan."

"Okay sabi mo eh." napangiti na lang ako at kumain na.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now