Chapter 46~ Crush or Crash???

3.9K 65 18
                                    

Matthew's POV



*KRIIIIING!!!!! KRIIING!!!!!*



Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Kahit na tinatamad ako tumayo parin ako. Kaylangan ko kasing puntahan si Tita sa bahay nila ngayon. Nakiusap kasi si Tita sakin kagabi na pumunta daw ako bukas sa kanila, para naman mapagluto niya daw kami ni Ally at makapag bonding na din kasi aalis na bukas si TIta.



Sino ba naman ako para tumanggi kay Tita Alexa... Naghanda na ako ng susuotin ko, at nag shower na. Nag breakfast muna ako bago umalis. 8:30 na ako naka alis ng bahay. Medyo nakakalungkot kasi sobrang tahimik. Wala yung madaldal kong kapatid, na childish at parang nasobrahan ng pagko-conyo.



Kakamustahin ko na lang mamaya si Chloe. For sure enjoy naman siya, Japan at Korea ang pinuntahan eh. Baka nga maubusan ng boses yun sa kakatili sa mga Koreanong gustong gusto niya. haayss...



Pakiramdam ko tuloy mag-isa lang ako. Buti na lang niyaya ako ni Tita Alexa sa bahay nila in that way, I don't feel alone at all.



Nag drive na ako papunta sa bahay nila Ally. Kahapon ko lang ulit nakita ang mga tawa niya na tunay na tunay. Walang bahid ng lungkot. Sobrang na-miss talaga niya si Tita. Sobrang miss ko na din si Mom. Almost 3 years na.... 3 years na wala sila sa tabi namin ni Chloe para patatagin kami sa oras na pakiramdam namin, hindi na namin kaya. I'm happy na na-overcome namin lahat ni Chloe. Nakayanan naming magkapatid kahit na wala man sila sa tabi namin, alam naman naming binabantayan nila kami.



Dumaan muna ako sa Flower shop para bumili ng bouquet of Rose para kay Tita. Binilhan ko na si Ally ng chocolates, favorite niya kasi yun dati nung College pa kami. Kaysa naman flowers diba? Baka ma misinterpret pa niya. Mahirap na....



After several minutes nakarating na ako sa bahay nila Ally. Nasa tapat na ako ng bahay nila, pinark ko lang yung kotse ko sa tapat. Napaisip lang ako kung bakit hindi na lang dito tumira si Ally sa bahay nila? Baka ayaw niya ng masyadong malungkot.... Kahit naman kasi ako, mas pipiliin kong tumira sa condo kaysa sa malaking bahay na ikaw lang ang nakatira.



*DING DONG*



Nag door bell na ako, agad namang lumabas si Ally naka Blouse at Jeans. She's just a simple woman yet beautiful.



"Good Morning Matt. Ang aga mo ah, pasok ka muna." nakangiting bati ni Ally sakin



"Good Morning Ally.. Inagahan ko talaga." sabi ko sabay kindat.



Hindi naman niya pinansin yun at nagtuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay.



Pagpasok ko bumungad si Tita Alexa na nagluluto. Tanaw ko siya mula sa kusina



"Good Morning Tita." Masayang bati ko kay Tita.



"Hijo, nandyan ka na pala. Good Morning :). Akala ko hindi ka pupunta eh."



" Syempre naman po pupunta ako, hindi ko naman po kayo matatanggihan eh."



"Bola" narinig kong bulong ni Ally na nasa sofa at halos katabi ko lang.

Tiningnan ko siya at ngumiti. Nginitian na lang din niya ako.



"Ang aga-aga,may nilalanggam" pagpaparinig pa ni Tita Alexa na nakatingin saming dalawa.



"Hay nako Ma. Tulungan na po kita diyan. " sabi naman ni Ally na binalewa lang ang sinabi ni Tita.



"Tita hindi po langgam, Antik po." natatawang banat ko pa. Sabay kindat.

"Hala! Kapal mo po Boss." sarcastic na sabi ni Ally.



Nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now