Chapter 32~ Guitar Lesson

3.8K 59 2
                                    

JL's Pov

Nasa Starbucks ako ngayon. I'm waiting for someone.
If you think na si Chloe ang hinihintay ko, youre wrong.
Well I've tried na yayain si Chloe but she said she's busy.

There's a part na hindi ako naniniwala na busy talaga siya kasi may kutob ako na iniiwasan na talaga ako ni Chloe. Our relationship is starting to be cold.
I know that she's still mad at me.

But for now ayoko na munang makipagtalo kay Chloe. Simula kasi ng malaman niya ang tungkol kay Ella, she didn't talk to me after that. Hindi niya man lang ako binigyan ng chance para makapag explain ng maayos.

After a while dumating na ang hinihintay ko kanina pa.

"Jl! I thought hindi ka pupunta. Sorry kung medyo late ako. Nahirapan kasi akong pumili ng Guitar eh. Ang ganda kasi ng mga designs." She said then hug me.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya.

"It's fine. You're almost 1 hour late. Paalis na nga dapat ako."

"Sorry na talaga. Babawi ako sayo promise!" She smiled widely

Lumabas na kami then naglakad kami papunta sa park,malapit lang dito sa Starbucks yung park.

Yeah, I'll teach her kung paano mag gitara. Friends lang kami ni Ella,para sakin 'yun but I don't think na ganun din ang turing sakin ni Ella.

Umupo kami sa ilalim ng puno medyo madamo naglatag kami ng blanket thenn may dala ding basket si Ella. Hindi ko alam kung mag aaral ba kami ng gitara o magp picnic lang. ☺

"Tara! Let's start na. Excited na ako matuto, at maturuan ng gwapong katulad mo." Bola sakin ni Ella

" Tama na yan. Niloloko mo na naman ako." Napangiti na lang ako,hindi ko alam kung bakit.

" Hindi kaya. Totoo yung sinasabi ko." She said hawak hawak ang gitarang bagong bili niya.

Tinuro ko muna sa kanya yung mga chords at kung anong dapat na daliri ang gagamitin.

"Ang hirap naman eh"

" Kaya mo 'yan. Sabi mo gusto mo matuto diba?"

"Pero--"

"No buts. Yung G Chord naman."

Nagpout naman siya at tumingin ulit sa gitara niya.

Mahaba habang pasensya ang kailan bago siya matuto.

Naalala ko tuloy si Chloe.

Flashback

"Turuan mo na kasi ako JL! Ang daya mo naman kasi."

"Ayaw ko nga. Baka mas maging magaling ka pa sakin pag tinuruan kita. Makinig at manood ka na lang sakin"

"I said ayoko nga. I want to play a guitar! Kung ayaw mo edi Fine!"
Nagtatampong sabi niya.

I chuckled. Pero tinarayan lang niya ako.

" Ayaw mo talaga akong turuan? Okay magpapaturo na lang ako kay Anthony tutal wala ka naman palang alam sa pagtugtog ng guitar eh."

Anthony?! Sino naman yun?? 😬

" Fine tara na. Sabi ko nga tuturuan na kita diba?" I said in a low voice kung papatulan ko pa siya baka lalong magtampo at hindi na naman umuwi ng bahay.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now