Chapter 47~ Farewell

3.5K 76 17
                                    

Ally's POV

Nag park na si Matthew sa tapat ng bahay. Pinagbuksan na din niya ako ng pinto ng kotse niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Siguro hindi lang ako sanay na umalis na naman si Mama.

Pagkababa ko, papasok na sana ako sa bahay pero tiningnan ko muna si Matthew.

Nanatili lang siyang nakatitig sakin.

"Thanks nga pala sa paghatid. Sorry ha, wala kasi ako masyado sa mood." sabi ko sa kanya

Tinanguan niya ako sabay ngumiti " I understand. Alam kong mahirap pero kailangan mong magpakatatag. Sabi naman ni Tita babalik siya diba? Kaya 'wag ka ng malungkot."

"Yeah, you're right. Thanks for cheering me up Matthew." naka ngiting sabi ko.

Papasok na sana ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Napatingin ako kay Matthew. "Tara, pasok ka muna. Magpatila ka muna ng ulan bago ka umalis."

"Sige, Thanks." sabay na kaming pumasok ni Matthew sa bahay.

Medyo nabasa kami, umupo muna si Matthew sa sofa habang ako naman dumeretso sa kwarto para kumuha ng towel at damit pamalit. Kinuhanan ko ng towel at T-shirt para makapagpalit. Basa rin kasi siya... Baka ako pa masisi pag nagkasakit siya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita si Matthew na naka upo parin dun ng tahimik.

"Oh, magpalit ka muna ng pangtaas mo." sabi ko sabay bigay yung towel at T-shirt "Nandun yung C.R." sabay turo sa C.R.

Tumayo na siya at kinuha na yung towel at T-shirt tsaka dumeretso sa C.R. Pumasok na ako ng kwarto ko para magpalit na din. May C.R. kasi sa kwarto ko. So dalawa yung C.R. namin dito sa bahay.

Pagkatapos kong mag bihis dumiretso agad ako sa sofa. Isasalang ko na sana yung CD ng Titanic nang biglang lumabas si Matthew galing C.R.

Sakto lang sa kanya yung T-shirt na binigay ko. Naalala ko pa nung binili ko yan dati sa Mall. Dapat ibibigay ko yan sa kanya dati nung College kasi birthday niya nun. Pero hindi ko na naibigay kasi nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Kaya naman hanggang ngayon tinago ko parin yung damit na yun.

"Thanks sa damit, ibabalik ko na lang sayo 'to bukas."

Bagay talaga sa kanya. Light blue na T-shirt na may naka print na 'SECRETLY'
may ka partner yung T-shirt na yun light blue din tapos may naka print naman na 'LOVING YOU'

"'Wag mo nang ibalik. Sayo na 'yan."

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya

"Tanggapin mo na yan, pang Thank you ko na din sayo." naka ngiting sabi ko

"Ah.. I see. Okay. Thanks Ally."

"You're welcome" sabi ko naman at sinalang na yung CD

"Anong papanoorin mo?" tanong ni Matthew

"As usual.." natatawang sabi ko pa

"Hahaha!!! Manonood din ako ah." sabi niya sabay tumayo at pumunta ng kusina.

'Akala ko ba manonood siya? Bakit umalis?'

Binuksan niya yung ref at agad na bumalik sa sala at tumabi sakin.

'Hala siya! Feel at home talaga ah..' sabi ko pa sa isip ko

"Oh, tara kainin na natin 'to bago pa matunaw." naka ngiting sabi pa niya sabay bigay ng isang kutsara sakin.

"Akala ko walang Icecream sa ref? At talaga ikaw ang mas nakaka alam ganun..."sarcastic na sabi ko tsaka kumain ng Icecream.

'Yum Yum!!!'

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon