Chapter 33~Head Ache

3.8K 55 2
                                    

Joanna's POV

Almost 3 months na akong nakatira sa pinsan ko. Nagpalit na rin ako ng number para hindi na ako matawagan ni Matthew. Eversince nung umalis ako kina Matt wala na kaming connection pati sa kapatid niyang si Chloe and even my Bestfriend hindi ko rin siya sinasagot sa mga texts,calls,and chats niya.

I miss my bestfriend. But I have no choice kailangan kong lumayo dahil alam kong mas magiging complicated kung magkakasama ulit kami.

"Couz tulala kana naman diyan. Tara kumain na tayo." Sabi ng pinsan ko. Siya si Michelle short for "ACE"

"Ayoko pa. Mauna ka na lang Ace."

Sinimangutan niya ako tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko at hinila palabas ng pinto.

-_____-
Mapilit talaga 'tong pinsan ko.

"Oo na,oo na bitawan mo na ko. Kakain na din ako."

"Good. BTW later pumunta tayo sa mall at mag shopping. Paulit-ulit na kasi ang mga sinusuot mong damit eh."

"Ace ayoko mag aksaya nang pera para lang sa mga damit. Madami pa naman akong damit. And FYI hindi paulit-ulit ang sinusuot ko noh.."

"Fine bahala ka. Basta aalis ako mamaya magkikita kasi kami ni Nick."

"Okay lang sakin. Besides magpapahinga na lang ako. This past few days kasi parang pagod na pagod ako kahit wala akong ginagawa."

"Napansin ko nga 'yon couz. Matamlay ka. " sinipat niya ang leeg at noo ko " Wala ka namang sakit eh."

"Sige na bilisan mo ng kumain diyan para makapaghanda ka na. Halata naman sayong excited ka na eh."

"Sus! Me? Hindi ah, maghahanap lang kami ng caps and t-shirts sa mall." Depensa naman ni Ace.

" Oo na, sige na."

~~~

Nakaupo ako ngayon sa couch at nanonood ng DOTS (Descendants of the sun). Nakakakilig si Big Boss eh.💗😘
Kanina pa naka alis si Ace sabi niya kanina sakin baka gabihin daw siya sa pag-uwi.

(Krrriiiiinnngg!Krrriiiiinnngg!)

"Hello, John napatawag ka?"

Remember my brother John? Bakit kaya tumatawag sakin 'to?

"Hello Ate Joanna, kamusta ka na? Wala lang naman gusto lang kitang makausap."

Napangiti naman ako. Buti naaalala pa ako ni John. Pinause ko muna yung pinapanood ko para hindi mahati ang attention ko.

"Sus! For sure mas gusto mong kausap yung girlfriend mo."

" Hala! Hindi naman ate. Sakto lang haha! Btw si Ally nga pala nagtatanong minsan about sayo--"

"Sinabi mo ba sa kanya kung nasan ako?" Ayaw ko pa kasing malaman niya. Kahit na alam kong boring ang magong mag-isa mas mabuting wala na munang connections.

"Ano pa bang gagawin ko, eh di mag sinungaling kay Ally tungkol sayo. Ayoko pa kasing mamatay lalo na sa kamay ng Ate ko." Mapagbiro niyang sabi.

"Good kahit sino wala kang pagsasabihan okay? Ipangako mo 'yan. " Biglang akong napaisip. Does Matthew remember me? Medyo matagal na simula ng maghiwalay kami and until now wala naman akong nababalitaan about him.

"Yes, para sayo Ate Joanna. Pero I'm hoping na sana balang araw ay maging maayos na ang problema niyo ni Matthew. I know na hindi mo matitiis 'yon. And besides mas magandang huwag mo ng patagalin pa ang away niyo baka one day hindi mo alam na pati ang mga tao sa paligid niyo ay naapektuhan na." He said ng may pag-aalala sakin. I understand what he said alam kong may naapektuhan but I'm trying my very best para malutas na ang mga problema na kinakaharap ko.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon