Chapter 58~ Wedding

5.3K 68 8
                                    

Ally's POV

Mabilis na nagdaan ang mga araw at linggo. At dumating na nga ang pinakahihintay kong araw sa buhay ko. Ngayon na ang araw ng kasal namin Matthew!

Halos hindi na yata ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang excitement ko para sa kasal namin. Pero ang totoo niyan, may mas excited pa sa kasal ko at 'yon ang Bestfriend kong si Joanna.  Halos magmukha siyang baliw kahapon habang kasama ko siya, mabuti na nga lang at napipigilan ko pa ang pagtawa ko kahapon.

<<<Flashback<<<

Pagkatapos namin pumunta ni Joanna sa Boutique para tingnan ang Wedding Gown ko we decided na tumambay muna sa Starbucks para makapag chill muna kami.

After dumating ng order namin as usual nagkwentuhan muna kami about sa wedding.

"Grabe Bes, super excited na talaga ako sa wedding mo bukas. Can't wait."halos patiling sabi niya

"Hay nako Bes, 'wag ka ngang masyadong excited diyan, mas excited ka pa sa ikakasal eh." natatawang sabi ko naman

"Che! 'wag ka nga. Minsan na nga lang ako ma excite pinagkakait mo pa." kunwaring pagtatampo niya tsaka nag sip ng kape.

"So, naayos niyo na ba lahat about the wedding? Dapat perfect at bongga yun bes!" she opened up the topic

"Hmmm... I think everything is all set up. Besides yung Wedding Organizer narin naman ang bahala sa iba pang mga aasikasuhin. " nakangiting usal ko

"It's nice to hear that... About the wedding organizer alam ko pinsan siya ni Adrian eh. Kasi nung nasa Italy kami dumadalaw siya minsan samin."

"Really?! What a coincidence... Pati pala yung Wedding Organizer na napili namin ni Matthew is may connection sa kakilala namin." masayang sabi ko

"Truee!! Kamusta naman pala yung Babe mo?"nangaasar niyang tanong habang nakangisi at tumataas baba ang kilay niya.

"Nasa mabuting pangangalaga at pagmamahal ko naman siya." sagot ko naman tsaka kumindat

"Nice! May paganern ganern ka na ah..." natatawang sabi niya "Siya nga pala, dapat sundin mo yung mga pamahiin sa kasal para hindi kayo malasin."tila nagbabantang sabi niya habang nanlilisik ang mga mata niya

"Huh? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" natatawang usal ko

"Basta sundin mo na lang... 'Wag na 'wag mong subukang sukatin ang gown mo bago ang kasal mo. Nako nako.. baka di matuloy ang kasal." iiling iling niya pang sabi

" Joanna,kumalma ka nga. Bakit ba nagpapaniwala ka sa mga ganyan... "

Napa facepalm na lang bigla si Joanna. Sakto namang nag ring ang phone ko. TIningnan ko ang caller ID at nakita ko ang pangalan ni Matthew.

"Oh... Weyt weyt... Sino 'yan ha?"

"Si Matthew... Susunduin na yata niya ako,magdi-dinner daw kasi kami mamaya."

"Haa??? Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap lalo nang hindi kayo pwedeng magkita!"sigaw niya pa na halos pagtinginan na siya ng mga tao sa starbucks.

Agad niyang hinablot ang cellphone ko mula sa pagkakahawak ko at agad niyang sinagot ang tawag.

"HELLO MATTHEW!"

-----

"WALA AKONG PAKE KAHIT NANDYAN KA NA. 'WAG KANG BABABA SA KOTSE MO! HINDI KAYO PWEDENG MAGKITA AT MAG-USAP NI ALLY NGAYON. DAPAT IPRESERVE SIYA PARA BUKAS!" G na G na sabi ni Joanna.

'Grabe sa preserve..  Ginawa akong pagkain.. ' Nasabi ko na lang sa isip ko. Habang napapa iling.

"Hey Joanna stop it. Nakakahiya ka." pigil ko pa sa kanya

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now