Chapter 26~Baguio

4.3K 86 3
                                    

Jacob's POV

Naka-uwi na kami galing sa mall. Tumawag kanina sakin yung friend ko from Bagiuo,pwede na daw ako mag-stay dun kung gusto ko.

Gusto ko pa sana mag-stay dito kina Ally, pero kaylangan ko na rin kasing umalis may importante pa akong aasikasuhin.

Kanina lang nung nasa loob kami ng sinehan napansin ko yung kaibigan ni Ally na si James pati yung Boss ata niya yung si Matthew.

Halatang iniingatan talaga nila si Ally. Nung dapat bibigyan ni James ng jacket si Ally inunahan ko para makita ko ang reaksyon nila,at dun ko nalaman na parang may gusto si James kay Insan.

Naisipan kong makipagkaibigan dun sa boss niyang masungit na si 'Bro Matthew' para malaman ko kung ano ba talagang meron,iba kasi ang kinikilos niya. Kaya ko natanong sa kanya kung kaano ano niya yung bestfriend ni Insan para magkaroon ako ng clue. Nung sinabi niyang 'girlfriend' niya yun nagtataka ko kung bakit parang iba ang inaasta niya dun sa girlfriend niya.

Gusto ko lang maprotektahan si Insan kagaya ng pag protekta ko noon sa .... Fiance ko.

Nakakalungkot man isipin na hindi ko nagawang iligtas at protektahan siya sa mga oras na 'yon.

Pakiramdam ko sobrang laki ng nawala sa pagkatao at buhay ko nung mamatay siya,hindi ko kinaya ang sakit..

~~>> FLASHBACK~~>>

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko, iminulat ko ito at nakita ko ang hindi pamilyar na kwarto kung saan nakaahiga ako ngayon.

May-maya pa pumasok na ang nurse kasama si Mom. Hindi ko maalala ang nangari sakin,kung bakit nandito ako ngayon.

"Anak, salamat at nagising ka na. Are you okay?" sabi ni Mom ng may pag-aalala.

" I'm fine Mom. Ano bang nangyari sakin?" walang emosyong tanong ko.

" Almost two weeks ka ng naka confine dito sa ospital Jacob at ngayon ka lang gumising. Akala nga naman ay hindi ka na magigising pero thank god at ibinalik ka pa samin." mangiyak ngiyak na sabi ni Mom.

Biglang may lumabas na imahe sa utak ko, isang babaeng nakatingin sa direksyon ko at ngumiti sakin habang may luhang tumutulo sa pisngi niya  kasabay 'non ang unti-unti niyang pagkawala na parang abong tinatangay ng hangin.

Naalala ko bigla si Nicole, ang babaeng minahal ko ng lubos at fiance ko na.

" Mom, where's Nicole? Dumalaw ba siya dito?" agad namang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.

sandaling tumahimik si Mom at halatang ikinagulat ang tinanong ko pero agad naman siyang nakabawi at nag salita.

" I'm sorry Jacob pero wala na siya, she didn't survive sa nangyaring car accident nung araw na 'yon. She's dead on arrival nang dalhin siya sa ospital, I'm sorry anak. But that time she's Four weeks pregnant with your baby." napahagulgol na lamang siya at napayuko sa kama habang umiiyak.

Pilit kong inintindi ang sinabi niya sakin. Pinipigilan kong umiyak pero tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa mata ko.

" No.. Hindi 'yan totoo Mom! Buhay sila!Buhay si Nicole! Buhay.... sila... buhay..ang mag-ina ko.. buhay sila!" sigaw ako ng sigaw habang bumuhos ang mga luhang kanina lang ay napipigilan ko pa, sunod sunod na pumapatak ang luhang may hinanakit at lungkot...

<<<~~ END OF FLASHBACK<<~~

Natauhan naman ako sa pagtawag sakin ni Ally.

"Insan! Di mo ba sasagutin yan? Kanina pa tawag ng tawag yan sa phone mo wala ka atang pakialam!"sigaw sakin ni Ally ,pinatay ko ang tawag at agad na sinara ang phone ko.Hindi na ako nagabala pang tingnan kung sino man ang tumatawag.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now