Chapter 31~Japan

4.3K 82 5
                                    

Hi readers! Oh well another UD na naman for you haha! Hope you like it. BTW Do you have any idea kung anong nangyari sa Dinner nila James at Ally? Well let's find out. ^_^ ENJOY ~~~

Dedicated to~@Eyesmile_Princess30

James' POV

After a several months mas naging stable na ako. Naging mas focus sa work ko.And naka moved on na.
I know na hindi madaling makuha ang lahat ng gusto kong makuha.

(Phone rings)

"Hello,Julie--"

"J-James.. " she said in a sad tone

Bakit siya umiiyak? What happened to her?

"Why? what's the problem?"

"K-kasi yung Bestfriend ko si Alex,y-yung nasa Japan. Dinala siya sa ICU kaylangan na daw siya maoperahan sa puso as soon as possible dahil kung hindi pwede siyang mamatay. Tumawag si Tita sakin and she's begging na pumunta daw ako,hinahanap daw ako ni Alex..."

"Alam na ba ni Tita and Tito?"

"Yes,si mama pumayag na mag stay ako dun kahit 1 week but si papa nagdadalawang isip,ayaw niya akong pumunta dun kasi magulo parin sa Japan."

Ganun talaga ka concern si Tito kay Julie. May point naman si Tito,but hindi ko naman matitiis si Julie na nag-aalala for her bestfriend.

"Do you want me to go with you?"

"A-are you sure?"

"Yes,basta para sayo. So ako na ang mag papareserve ng tickets natin. Uh, morning flight or evening flight?"

" Morning flight na lang. Pero sure ka ba talaga James? Pano yung business mo dito?" May pag aalinlangang tanong niya.

"Don't worry I can handle and manage it kahit nasa Japan tayo. Okay,maghanda ka na ng mga gagamitin mo. I'll text you if okay na yung tickets."

"Thank you so much James. Thank you talaga. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko. "

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Talagang swerte siya.

"Sige na bye love you!"

"Love you too!"

--end call~~

So,yes tama kayo. Girlfriend ko si Julie almost 4 months na kami after what happened sa dinner namin ni Ally,mas naging close kami ni Julie.

<<<Flashback<<<

Naging maayos naman ang dinner namin ni Ally with Matthew na asungot siyempre. Hindi siya nagpatalo. Nakahanap ako ng tiyempo that time para sabihin kay Ally ang feelings ko. Nagkita kasi sina Matthew at ang long time bestfriend niya since grade 1.

Kaya ayun nabigyan kami ng konting "privacy" kahit papano.

"So kamusta ka naman sa work mo James? " She asked me sabay inom ng wine.

"It's fine. This past few weeks naging busy, lalo na sa mga papers and reports na kailangang ipasa." I said while directly looking at her eyes.

Napatango na lang siya at muling uminom ng wine. Nabalot ng katahimikan ang table namin ni Ally habang malakas na tawanan naman ang maririnig mo sa kabilang table which is si Matt and his friend.
Psh! Kahit kailan talaga akala mo hindi boss kung umasta 'tong si Matt. ---___---

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now