Chapter 48~ Farewell Mom...

3.5K 54 0
                                    


Ally's POV

Gising na ako pero nanatili parin akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Hindi parin ako makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari sa buhay ko.

Nagsisimula na namang mabuo ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit na sa isang iglap mawawala lang ng ganun ganun si Mama.

Agad kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mata gamit ang likod ng palad ko.  Sinubukan kong tumayo para maghanda na ng almusal. Dito na kasi natulog ni Matthew. Sa sofa na lang siya natulog dahil ayaw naman niyang gamitin yung isang kwarto.

Paglabas ko ng kwarto agad kong nakita si Matthew sa kusina kung saan nagluluto siya.

Napatingin naman siya sa gawi ko.

"Oh.. Good Morning Ally. How are you feeling?" He asked with a concerned tone

"I'm not fine..." I answered without looking at him.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan.

"Uhm.. Just wait there Ally. Matatapos na 'to." Sabi pa niya pero nanatili lamang akong nakatulala.

After a several minutes tapos na niyang ihanda yung breakfast. Actually late breakfast na to dahil quarter to 11 na.

Umupo lang ako sa tapat niya pero hindi para kumain.

" Kumain ka na tapos pwede mo na akong iwan pagkatapos mo." Malamig na tonong sabi ko kay Matthew tsaka ako tumayo upang pumunta na sana sa kwarto pero pinigilan ako ni Matthew.

"Ally, please don't be like this. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. At kahit ano pang sabihin mo para paalisin ako, hindi ako aalis. I'll stay here." He said calmly while holding my wrist to stop me.

"Fine, stay if you'll stay. It's up to you..." Walang ganang sabi ko at umupo na din kaharap niya.

Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. Tinitigan ko muna ito pero maya-maya pa ay binigyan niya ako ng makahulugang tingin. At napilitan naman akong kumain.

'Bakit ba kasi hindi ako makatanggi sa kanya. Ayokong nandito siya! Ayokong nakikita niya akong mahina.'

Sobrang tahimik sa buong bahay. Nakikita kong patingin tingin sakin si Matthew pero walang kahit ano ang kanyang nasambit.

Pagkatapos ko kumain, agad akong dumiretso sa kwarto upang maghanda. Dahil ilang oras na lang ay parating na si Mama. Maliligo muna ko para naman refreshing pagdating ni Mama.


Matthew's POV

Kakatapos ko lang hugasan yung pinagkainan namin ni Ally. Nag shower lang ako saglit at naghanda na. Sakto namang paglabas ko ay kakatapos lang din niyang mag-ayos.

"Ally, pupunta lang ako sa office for a while dahil kailangan kong kausapin yung mga police about sa investigation." Pagpapaalam ko kay Ally

"Okay... Ingat." Maikli naman niyang tugon sabay upo sa sofa.

Saglit ko muna siyang tinitigan at tsaka na ako lumabas at pumunta sa kotse ko.

After a while nakarating na din ako sa Airport agad akong dumiretso sa Office ko. At nakita ko ang mga police kasama ang secretary ko na hinihintay ang pagdating ko.

"Good Morning, please go inside." Pagbati ko sa kanila.

Nang makapasok na kami sa loob ng office ko tsaka na namin sinumulan ang usapan.

"So I'm the head of the officers. We're assigned in the case about the Plane Crash that happened yesterday."

Napatango naman ako.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now