Chapter 50~ Moving On with HER

4.1K 76 2
                                    


Matthew's POV

"Babe sorry na..."

"Tsk! Bahala ka diyan! Nagpapa sama lang naman ako kila Kuya eh. If ayaw mo, ako na lang. Pumasok ka na. Susunod na lang ako." cold na sabi pa niya

'Hays. Grabe ang hirap talaga kapag sinabayan ng matinding init ng ulo ang Pink days ng babae.' napapa-iling na lang ako

"Sorry na Babe. Tara sasamahan na kita. Sandali lang naman tayo eh. Para sabay na tayo pumunta sa office ko."

"Okay, fine. Sabi mo yan ha." Sabi pa niya habang malawak na nakangiti.

Nagpapasama kasi si Ally sakin kina Liam at Nate. Gusto lang daw kasi niyang kamustahin ang mga kapatid niya. At mas lalong gustong bisitahin ni Ally ang pamangkin niya kay Nate. 3 months pa lang kasi ang baby nila ni Jane.

Yes, si Jane. Yung bestfriend ni Chloe na nagtatrabaho din sa Company ko. At first I know na may crush sakin dati si Jane. But I didn't imagine that she'll end up with Nate. I'm happy for them. Kapag tinamaan nga naman ni kupido.

Bukas ay 1 year na simula nang pag-alis ni Joanna papunta sa Italy para magpagamot. At sa loob ng 1 year na 'yon. I can say na may mga times na nami-miss ko siya, but unlike before. I miss her as a friend. Dahil I'm very contented to be with Ally right now.

<<<Flashback<<<
Kung dati ako ang nagpupunta sa bahay ni Ally para i-comfort siya. Ngayon si Ally naman ang pumupunta sa bahay ko para i-comfort ako.

Ayoko na sana siyang papuntahin dito dahil ayokong mapagod siya. Pero ang kulit talaga niya.

Kinabukasan simula nung umalis si Joanna. Nakaramdam ako ng lungkot sa aking puso. Dahil sa pag-alis ng isa sa mga importanteng tao sa buhay ko ang umalis.

Joanna... She's the one who never left me. Eversince we're Highschool until College.Especially she's the one who forcefully bring back my hopes even if I'm not giving her my attention that time, she did not give up. Hindi siya nagdalawang isip na samahan ako sa kalungkutan o kasayahan man.

Sadyang dumating sa point na ayaw ko nang mabuhay. All the hopes that I have to live that time suddenly fades. But hindi lang si Chloe ang dahilan kung bakit nakayanan kong mabuhay ng wala ang parents namin. She was the one who gave me courage to value my life. Siya ang taong nag-alaga, nagpadama ng pagmamahal at buong pusong nagtiwala sa akin.

But in people's life. Everything has a reason. Dumating ang time na muli kong nakita si Ally. And it felt like all my feelings from the past came back all of a sudden.

'Kaya ngayon ay gulong-gulo ako. Sino ba ang karapat-dapat kong mahalin? Ang taong una kong minahal na kahit hindi man niya ako minahal at napansin nung una ay nasa tabi ko ngayon, nakakasama ko at ipinaparamdam na ang pagmamahal na hindi niya kayang iparamdam sa akin. O ang taong nagbigay ng pagmamahal at pagtitiwala sa akin upang ako'y mabuhay ngunit siya na mismo ang nagpasyang lumayo at nagpa ubaya para sa alam niyang ikasasaya ko?'

"Matthew... Nakikinig ka ba? Nag-aala hangin ka na naman diyan eh."

"Huh? W-what are you talking about?" Lutang na sabi ko.

Nasa 7-11 kami ni Ally ngayon. Kumakain ng Icecream.

"Ang sabi ko pumunta tayo sa mall mamaya. If pwede ka." Nakangiting sabi ni Ally.

"I'm definitely free."

"Smile naman diyan! Para naman mas gwapo ka tingnan."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nginitian ko siya ng malawak.

" Thank you for being here, Ally. Kahit na alam mong hindi ko parin kayang mag Move-on sa pag alis ni Joanna. Nandyan ka parin para pasayahin 'tong puso ko." Sabay hawak pa sa dibdib ko.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon