Chapter 19~Bati Na Kami!

4.5K 68 0
                                    


Joanna's POV

It's Saturday morning, nandito ako sa resthouse namin ni Matthew. Until now kasi hindi parin kami nag-uusap. Ayoko lang talaga siya ngayon kausapin,after nang nangyari gusto ko munang mapag-isa.

Tumawag sakin si Ally.

{ " Hi Joanna,how are you na??magusap naman tayo.} -A

{ Naguusap naman tayo ngayon ah.}-J

{Ehhh... bilis na.. madami  akong ikukwento sayo. besides gusto na kitang makita. Nasan ka ba ngayon?" }-A

{Bakit ko naman sayo sasabihin??} -J

{Hhmmm... bahala ka dyan,magtatampo na talaga ako sayo,hmp. } -A

{Ally naman,alam mo naman na gusto ko muna mapag-isa dahil nga sa nangyari diba?} -J sabi ko ng may lungkot sa boses ko.

{Alam ko naman yun Joannaa,pero as your bestfriend kaylangan ko din naman malaman, dahil nag-aalala rin ako para sayo.} -A

{Fine,nandito ako sa resthouse namin ni Matt, make sure na walang makakaalam okay. I trust you Ally. Bilisan mo ah, dala ka na rin ng Icecream yung chocolate ah. sige i'll hang up na BYe!! Ingat sa byahe mo babaitang mapilit..} - J sabi ko pa at pinatay na ang tawag.

***

LATER ON

Dumating na rin sa wakas si Ally. But syempre hindi niya kinalimutan na dalhan ako ng Icecream!!!! *_*

HIHI! favorite namin eh.

" Hi Bes!!! Miss you na!" sabay yakap sakin ng mahigpit.."Sa wakas nagkita din tayo. Kasi naman eh..wala tuloy akong mapagkwentuhan ng mga problema ko"

"Sus! Ang drama mo naman nandito ka na nga eh..,,  Teka lang Ally di na ko makahinga bitaw na!" mabilis naman niyang kinalas ang pagkakayakap sakin.

Huminga na ako ng malalim at nagsalita ulit.

" Kainin na natin yang Icecream,baka matunaw pa. Teka wala ka bang kasama o pinagsabihan kung nasan ako?" paguusisa ko

maya-maya pa may pumasok na lalaki at laking gulat ko ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking ayaw kong makita sa ngayon.  0___0

"Joanna! I miss you so much! " Niyakap naman din agad niya ako kagaya ng ginawa sakin ni Ally pero mas mahigpit ngayon at wala akong nagawa kundi ang tumayo at makinig lang sa mga sinasabi niya.

Aaminin kong namiss ko din siya ng sobra pati ang boses at ang mga yakap niya namiss ko din.

" EHEM!"  " Medyo nilalanggam na ko dito pero..... ANG DAYA MO MATTHEW BUTI PA IKAW NAKAKAYAKAP KAY JOANNA NG MAHIGPIT PERO DI NAMAN SIYA UMAANGAL PARA PAG AKO YUMAKAP UMAANGAL SIYA UNFAIR NUN!!!" pagwawala ni Ally. May pagka matampuhin din kasi tong bestfriend ko eh.

Agad naman akong kumalas sa yakap niya at lumayo agad ako sa kanya.

" Bakit ka nandito?  " walang emosyong tanong ko -__- habang kumakain ng Icecream..

" Syempre naman Hon.nandit ka eh... Tsaka satin namang resthouse to diba? " sagot niya at ramdam kong nakatingin siya sakin habang nakangiti,kahit na di ko siya tinitingnan at naaaninag ko lang siya sa peripheral vision ko.

(BATOK!)

"Aray!! Ally naman bakit ka nambabatok?" tanong niya habang hawak hawak ang ulo niya

muntik na akong matawa dun pero pinigilan ko lang para naman malaman ni Matthew na galit at nagtatampo parin ako sa kanya.

" Tangek! Wag mong pilosopohin yang bestfriend ko! Lalo kayong di magkakayos. Ayos-ayusin mo muna yang mga sagot mo bago kayo magkaayos." sabi pa ni Ally ng may diin sa pagsasalita na para bang pinangangaralan si Matthew.

" Yes! Ma'am! "  confident pang sabi niya habang ako naman eto nilalantakan parin ang Icecream.

(HAMPAS)

"Bakit na naman?" tanong ulit niya,sigurado akong seryoso si Ally at hindi siya nakikipagbiruan pero eto namang boyfriend ko.. oopss. sorry for the word. Eto namang si Matthew ginawang biro... psh!

" Haaayyyy!!!! MAKALABAS NA NGA LANG DITO!! BAHALA KA NGA DIYAN.  GOOD LUCK NA LANG SAYONG BWUSITA KA!!" inis na sabi niya at umalis na dala ang icecream. Tag-isa kasi kami ng gallon ng chocolate icecream... Favorite nga kasi diba.

" I'm sorry Hon,kung nagselos ako,sorry talaga. " umupo siya sa tapat ko at tumingin ng diretsyo sakin.

" Sorry not accepted..... " walang buhay na sagot ko at tumikhim ulit ng icecream.

" Sorry Hon, nagselos lang talaga kasi ako dahil may kasama kang lalaki, at hinahawakan ka pa."mahinahong sabi niya pero halatang nagseselos parin siya.

"Hindi yun hawak lang na parang may kung anong meron, shake hands yun bilang kaibigan. Nagpasalamat lang naman ako sa tao dahil he saved me nung nalunod at halos mamatay na ko. I'm just thankful dahil tinulungan nya ako at ngayon ay buhay  pa ako." pagpapaliwanag ko sa kanya ngunit wala paring emosyon at hindi ko siya tinitingnan.

Nagulat ako sa sumunod  na ginawa niya, lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko.

" Hon,sorry na. Sana patawarin mo na ako. please,gagawin ko lahat para maayos ko lang ang pagkakamali ko. I'm so sorry. " sabi niya habang nakaluhod at hinahalikan ang mga kamay ko. Kitang kita sa mga mata niya na sincere siya. Mahal na mahal niya ko,at nararamdaman ko yun.

"Tumayo ka na dyan. Appology accepted. Basta wag mo na ulitin yun ah. Alamin mo muna kung ano talagang storya wag kaagad magselos kung di mo alam kung ano ba talagang nangyayari. Wag kang sugo ng sugod."

" Yes!!! Promise di na ulit mangyayari yun Hon. Thanks! I love you."

" Mabuti naman at bati na kayo,ngayon bumili naman tayo ng icecream..." biglang sabat ni Ally.

" OO ba,treat ko.Halika na."  sabi ni Matthew

" GAME KAMI DYAN!!!!!!" sigaw ni Ally.

" BASTA ANG IMPORTANTE---" pinutol ni Matthew ang sasabihin ni Ally." BATI NA KAMI!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Matthew na abot mata ang ngiti.

napairap naman si Ally.

"ANG IMPORTANE CHOCOLATE ICECREAM ANG FLAVOR."

Napangiti naman ako ,ewan ko ba kung bakit.

HHWW= nag HHWW kami habang si Ally naman nasa unahan namin at nagmamadali,pano kasi loner. OP siya,wala pa kasi siyang mahanap na BF ngayon eh.

Still praying na makhanap na niya ang THE ONE niya.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon