Chapter 29~Away Part 2( J&C)

3.1K 53 0
                                    


JL's POV

Kakatapos ko lang mag jogging. It's my routine every morning.

Kaso hindi naging maganda ang umaga ko ngayon dahil kanina pa may nanggugulo sa akin. -_-

" Hijo, may tawag po kayo sa telepono." sabi sakin ni manang,maid namin siya dito mga nasa forties or fifties na siya. Matagal na si manang dito at mas close ko siya kaysa kay ate Denise.

" Sino daw po manang?" ang aga-aga may tatawag sakin,hindi kaya si--

"Ella,kaibigan mo daw" sabi pa ni manang sabay abot sakin ng telepono.

" Sige po,salamat manang."

Sabi ko na nga ba,si Ella na naman pati ba naman yung number namin sa bahay alam din niya? Siya din yung kaninang tawag ng tawag sakin.Hindi na ako nag abala pang sagutin ang tawag na 'yon.

Naaalala niyo ba nung nawala ako noong ma hospital si Chloe? Pumunta ako sa 'secret rest house' ko sa gitna ng gubat.

Doon ko na meet si Ella dati nagustuhan niya ako sa maikling panahong 'yon pero tinanggihan at iniwasan ko siya,hanggang sa naging mag ON sila nung bestfriend ko pero ngayon nabalitaan kong kaka break lang nila nung boyfriend niya na bestfriend ko,kaya ako na naman ang ginugulo nitong babaeng 'to.

Aakyat na sana ako para pumunta sa kwarto ko pero may kumatok.

(TOK! TOK!)

Pagka bukas na pagkabukas ko bumungad sakin ang boyfriend ni ate Denise si Charles Psh!

" Hi JL! Good morning,gising na ba si Denise may usapan kasi kami." sabay ngiting sabi niya

TCH! Anong ngini-ngiti niya diyan,tsaka usapan? ang aga-aga may usapan.

" Geh ,pasok ka,umupo ka na lang muna diyan." I fake a smile,

Pinuntahan ko agad ang kwarto ni Ate,kung pwede nga lang  Denise na lang ang itawag ko sa kanya dahil sa tingin ko ako ang mas mature mag-isip saming dalawa.

( TOK! TOK!)

" Ate may bisita ka! yung boyprend mong hilaw!" halos pasigaw na sabi ko

Agad bumukas ang pinto naka maong shorts siya at sleeveless,tsk! yung short ang iksi. Kahit naman kasi sabihan ko siya hindi 'yan makikinig sakin.

Aakitin yata niya yung Charles na 'yon. Bahala na sila sa buhay nila basta ako masaya na ako kasama si Chloe.

"Denise good morning ano tara na?" masayang sabi ni Charles

" Oy! san kayo pupunta?" sabat ko siyempre kapatid ko 'yan eh,hindi porket wala si Mama at Papa susulitin nila.

" Sa kwarto ko,bakit ba JL? " pagtataray ni ate

kwarto? bakit dun pa?

" Bakit dun sa kwarto? Tsaka ano bang gagawin niyo dun? pwede naman dito na lang sa sala diba?" naiiritang tanong ko

" May project kaming tinatapos para sa course namin kapag nakapasa kami dun,makakapagtrabaho na kami. Pwede ba 'wag kang makialam ng trip okay. Mas malamig kasi sa kwarto ko kaysa dito kami gumawa ng project sa sala,walang aircon." hindi na niya ako pinagsalita pa at hinigit na papasok sa loob si Charles.

Kung gaano ako tutol sa kanilang dalawa,ganun din katutol si ate samin ni Chloe.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nilapag ko ang phone ko sa side table ng kama ko.

Makapag shower nga muna,ang init init kanina pa ako pinagpapawisan. -__-

***

Chloe's POV

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now