Chapter 9~Outing

5.8K 118 3
                                    

(Next week)
At the Resort

Ally's POV
Kakadating lang namin ni James dito sa Resort sa Laguna. Malaki ang resort at maganda,may mga pools na pangbata,pang-adult at sa di kalayuan merong beach sa bandang dulo. Just Wow! I wonder kung sinong may-ari ng resort na 'to and I'm sure sobrang yaman talaga.

Naka Forever 21 long sleeves ako nakatupi hanggang sa siko at naka jeans ako na black,may slingbag na pink at bag na Jansport ,sabi kasi ni James magoovernight daw kami dito.

" Ally nagtext na sila Adrian malapit na daw sila."
Nakangiting sabi ni James.

" Ah okay,thanks nga pala James dahil sinabay mo ako sa pagpunta dito."

Pinilit talaga ako ni James kanina na sumabay na ako. And sa huli wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse nya.

" Your welcome,No problem basta ikaw :)"

Bzzzztt. Nagv-vibrate ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko.Kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Joanna.

[Hello,Ally nakarating na ba kayo sa Resort? Andito kami sa Room 143 pumunta na lang kayo.] - Joanna

[ Oo,kakarating lang namin ni James. Sige pupunta na lang kami dyan. Bye!]

Pinatay ko na ang tawag at sinabi kay James na puntahan na namin sila Joanna sa Room 143.

Para talagang wala kaming away... well, hindi naman talaga kami nag-away ni Joanna, parang feel ko lang na nagka space ang friendship namin. Dahil sa nangyari...

May mga cottages kaming nadaanan malapit sa beach at may mga rooms din na pwedeng pag-overnight-an.

Nang makarating na kami sa Room 143 kumatok na si James at nagbukas naman agad ang pinto.

Binuksan ni Matthew iyon at si Joanna naman ay napatayo nang makita na kami ni James.

Ang gwapo parin ni Mathew hanggang ngayon at blooming naman si Joanna. Mukhang masaya sila sa relationship nila.

" Hi Ally,James. Pasok muna kayo hindi pa dumadating yung iba pero on the way na daw sila."
Sabi ni Matthew habang binuksan ang pinto ng malaki para makapasok kami ni James.

" Pare, parating na din daw sila Adrian kasama yung Girlfriend nya ,Si Anne." Sabi naman bigla ni James ng makapasok na kami.

" Ganun ba pare,sige maghintay na lang tayo. Girls maghanda na rin kayo kung gusto nyo ng mag swimming"

At kailan pa sila nagsimulang magtawagan ng Pare? Really?? Wow ah close na sila...

" Hon,gusto ko sabay tayo ah. Hihihi" malambing na sabi ni Joanna.

" Oo naman Hon, sige na itetext ko muna sila Liam at Nate. "

Papalapit si Joanna sakin na para bang may gustong sabihin.

" Thanks sa pagpunta Ally"
Halos pabulong na sabi sakin ni Joanna.Sabay yakap nya sakin.

Napatingin naman sila Matthew at James sa amin.

" Oh bakit kayo nakatingin? Masama bang yumakap.? Masaya lang."
Sabi niya pa sa kanila at tumingin na sila sa ibang direksyon.

" Joanna, can we talk for a while. Sa labas tayo magusap." I said with a low tone.

" Sure Ally.Miss ko na ng sobra ang Best ko. "

I hope maging maayos na kami ni Joanna,kaya ngayon kakausapin ko sya.

****
Joanna's POV
I'm so thankful na pumunta si Ally sa outing namin. Sana magkaayos na kaming dalawa.

" Joanna can we talk for a while. Sa labas tayo mag-usap"

0_0 nagulat ako sa sinabi ni Ally.

" Sure Ally. Miss ko na ng sobra ang Best ko."
Sabi ko sa kanya.

Nasa labas na kami dito sa cottage na naka reserved para samin.

" Ally I'm very sorry. Sa lahat ng mga kasalanan ko. Sana mapatawad mo na ako. Sana maging okay na tayo." Panimula ko.

" Gusto ko rin namang magkaayos tayo Joanna,pero if you don't mind kung sabihin mo sakin kung ano talagang nangyari sa inyo at pano naging kayo. Kasi eversince na maka gradute tayo wala ka ng sinabi at kinuwento sakin." Malungkot na sabi ni Ally.

" 4th year college tayo nun bago tayo makagraduate nagconfess na si Matt ng feelings nya para sakin. Minahal ko na din si Matt ng mga oras na yun kaya nung niligawan nya ako sinagot ko rin sya at naging boyfriend ko na. Hanggang sa may mga bulong-bulungang naging kami na ni Matt. Pero wala akong lakas ng loob para sabihin sayo,na kami na. Kahit na alam kong may feelings ka para kay Matt mas inuna ko ang kapakanan ko,and my Happiness with Matthew. I'm very sorry Ally. Sana mapatawad mo ako.
Hindi ko naman sinasadya na mahalin at magustuhan ko si Matt ,tao lang din ako na nagmamahal. Kaya sorry Ally,sorry Best. And I'm sorry because I've been selfish "
My tears are starting to fall hinawakan ko ang kamay ni Ally nakita ko rin syang umiiyak.

" I understand Joanna. Tao ka lang naman na nagmamahal,nagiging Masaya, pinapatawad na kita. Sorry din dahil inisip ko lang ang sarili kong karapatan."
Niyakap ako ni Ally at napahagulgol kaming dalawa, habang magkayakap.

" Thanks Best. Salamat sa lahat -lahat "

" Ate Anna! Why are you crying? Are you okay?"
Nagulat ko ng lumapit sakin bigla si Chloe. Nakarating na pala sila kasama yung Boyfriend nya.

" Okay lang ako Chloe,andito na pala kayo. Umakyat na kayo sa Room 143 andun yung Kuya mo. Go upstairs na. Room 143 okay?"

"Yes Ate Anna. Thanks. Dont make iyak na Okay stop crying na."

" Tara na Chloe. Maghahanda pa tayo." Sabi ni JL.

" BTW, Ate Anna ,this is JL my boyfriend. Nakita mo na sya diba? And who is she nga pala?"
Tinuro nya si Ally.

" She's Ally Porter,my Bestfriend."I smiled at her.

I saw a shocked face from Chloe but agad naman siyang natauahn and smiled at me widely.

" Okay Ate Anna. We should go na. bye ! SEE yah!!"
Kumaway na sya at umalis na.

" Best tara na. Sumunod na rin tayo. Nagsisidatingan na sila oh. Maghahanda din tayo. " sabi ni Ally na nakangiti but namamaga ang mata same as me.

Pumunta na kami sa room and nag ayos ng mga gagamitin namin later.

****
Matthew's POV
Lumabas ako ng unit namin para tingnan kung saan pupunta sila Joanna. Pero nung nakita kong sa cottage lang sila di ko na sinundan hanggang sa nakita kong nag iiyakan na sila at nagyakapan.
Tingin ko magBestfriend sila ni Joanna. But all along walang nababanggit si Joanna about kay Ally na Bestfriend pala nya.

Maya-maya sumulpot naman ang magaling kong Twin Sister na si Chloe. Tila pinatahan nya si Joanna sa pagiyak,At napangiti naman ako sa ginawa nya. Pero napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko ang asungot na Boyfriend ni Chloe. -_-

Pumasok na ako sa Unit namin at binuksan ko ang Cellphone ko at nakita ko 99 na text messages at 89 missed calls ng mga kaibigan ko. Aba! Nangungulit na. Malapit na siguro sila.

Nakakaexcite dahil mabubuo na ulit kaming magkakaibigan after ng mahaba at busy na taon ngayon lang ulit magkikita kita.

~~~~~~

Thanks for reading. Please Vote and Comment.
Sorry po sa late UD.
Mag s-swimming na sila sa next chap. Kaya please leave a comment if ano sa tingin nyo ang mangyayari.
Thanks!!! ^_^

My Boss Is My Future Husband ♥∞Where stories live. Discover now