Chapter 22~Swimming Party

4.3K 77 0
                                    


James' POV

Naghahanda ako ngayon ng mga pagkain para sa pool party mamaya.
Nagyaya kasi ako dahil birth day ko ngayon. Nag-plano kasi si Mom na pumunta kami sa Tagaytay pero umayaw ako,kaya ngayon wala akong kasama dahil nandun silang lahat mas gusto kong kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin masyadong close ang pamilya ko dahil halos araw-araw nasa trabaho,outing at kung saan saan pa.

* BZZZTT*

Kinuha ko agad ang phone ko at binasa ang message na galing kay Julie.

~ Hi! James. Happy Happy Birth Day! ^_^ ~

~ Hello Julie, Thanks sa pag greet, mamaya punta ka sa pool party dito sa bahay. See you! ~

~ Sige, Thanks maghahanda na ko See you! ~

* TING DONG! *

Maya-maya pa pumasok na sa bahay sila Adrian,Jack Liam at Neil. Mas pinauna ko sila dito para hindi naman ako mabored at maging loner.

" Pare, Kamusta? Happy B-day!" Bati sakin ni Jack sabay man hug.

"Ayos naman Pare, eto humihinga pa."

" HBD bro ,Tanda mo na! " Bati naman sakin Liam.

" Mas matanda ka kaya sakin,baliw! "pangaasar ko pa.

"Bro wala ka pa bang bisita? Nakaka lungkot kasi wala pang mga chicks."  sabat naman ni Neil habang nagiikot sa kusina.

"Oy! Mamaya ka na maghalungkat ng makakain diyan gutom ka na naman. Tsk! " sigaw naman ni Jack.

"Mag-ayos na lang muna kayo,may tatapusin lang ako sa taas. "

" Geh kami ng bahala dito, basta mamaya busugin mo kmi ah." pahabol pa ni Neil.

***

Around 7 PM nagsidatingan na sila.

"Hi ! Happy Birthday James! Here's may gift. " bati sakin ni Julie

" Thanks dapat di ka na nagdala ng regalo, okay na ko na umattend ang mga kaibigan ko." nginitian ko na lang siya at pinapasok na.

"Bro, dami ng dumadating ah, padami ng padami yung mga chicks!" halos pasigaw na sabi sakin ni Jack. Loko talaga to may Girlfriend na naghahanap pa.

" Chick boy ka talaga no, may girlfriend ka na tapos naghahanap ka pa. Malupet" pabulong na sabi ko

"Gusto mo isumbong kita kay Rose?"  sabat naman ni Liam pero pabulong lang din.

" Teka nga, bakit ba bumubulong kayo diyan,magsalita nga kayo ng maayos." inis na sabi ni Jack.

"Ah--eh ano kasi Jack ano eh." sabi ko pero di ko masabi, imbis na sabihin ko tinuro ko na lang yung nasa likuran ni Jack.

"B-Babe, kamusta ka na? W-Why are you here sabi mo may party kang pupuntahan diba?" nanginginig ang boses na sabi ni Jack.

" Chicks pala ah" sabay pingot ni Rose sa tenga ni Jack.

" AH-Aray!! Aray Babe! Ah-hh masakit! " sobrang namumula na yung tenga ni Jack pero ayaw paawat ni Rose, di naman namin mapigilan dahil baka madamay pa kami at mapingot din kami.

" Hayaan mo, bibilhan kita ng madaming CHICKS tutal gustong gusto mo naman diba? Para pag laki may kakatayin ka, pwede mo na rin isunod yung sarili mo pagkinatay mo yung mga CHICKS na naging MANOK! " hawak-hawak parin ni Rose yung kawawang tenga ni Jack.

" Aray! naman Babe, masakit na talaga. Sorry na di na mauulit. Sorry na Babe tama na." nagmamakaawang sabi ni Jack halos mamula na pati buong mukha niya.

My Boss Is My Future Husband ♥∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon