Chapter 11~ Meet George

5.5K 99 0
                                    

=REVISED & EDITED=

George's POV

Yow! I'm George Colin.
Best friend ko si Matthew and pinsan ko naman si Joanna.
Yeah right. Ngayong alam niyo na mas mabuti na iyon.

Kakatext ko lang kay Matt na papunta na ako sa Resort nila. Dahil may outing nga sila, kami rather.  Joanna invited me kaya naman napasama ako ng wala sa oras. Nag leave na din muna ako para makapagchillax kahit papano.

---------

Kadadating ko lang sa Resort at kasaluuyan akong nasa unit kung saan ako pinatuloy nila Joanna.
Inayos ko muna yung mga gamit ko bago ako maki-bonding sa kanila sa baba. Si Matt naman bumaba muna kaya kaming dalawa na lang ni Joanna ang naiwan ito sa loob ng unit.

" Oy! Insan kamusta na?" tanong ko sa kanya habang inilalagay ko ang ibang gamit ko sa cabinet "Masyado ka yatang tahimik? Asan 'yung madaldal kong pinsan? Ha?" natatawang tanong ko pa

"Okay naman couz. We're enjoying our outing dito sa resort nila Matt. Maingay parin ako noh! 'Di lang halata!" pagdepensa pa nito habang nakangiti  "Ikaw couz kamusta na? May nahanap ka na bang magpapatibok sa choosy mong puso?" asar pa nito habang tumataas baba ang kilay

"Grabe ka Insan , hindi choosy itong puso ko. Sadyang wala lang talagang mapili ang pihikan kong puso " paliwanag ko sa kanya

"Oks ka lang Couz? Choosy at Pihikan? Halos parehas lang iyon eh!" tumatawang saad ni Joanna kaya naman napa iling na lang ako

"Hayss bahala ka couz. Puso mo 'yan, choice mo 'yan. Halika na bumaba na tayo para mapakilala na kita sa mga friends ko lalo na yung mga hindi pa nakakakilala sa'yo." pag-aaya nito at sabay hatak sa akin palabas ng Unit.

Andito kami ngayon sa cottage nila kung saan marami-rami ang nagsasaya. May mga nagku-kwentuhan , tawanan , inuman , harutan.

" Uhm,Guys this is George. George Colin. He's my cousin" masayang pag papakilala ni Joanna sa akin habang naka kapit siya sa braso ko

Lumapit na ako sa mga friends ni Joanna at lumapit din sila. Nang natapos na sila magpakilala ,nakipagshake hands ako sa kanila. Actually kilala ko na ang iba sa kanila. We've been friends before. Pero hindi ko sila gaanong ka close tulad ni Matthew.

Pinsan kasi ako ni Joanna kapatid ng Mommy niya ang Mommy ko kaya talagang naging close kami. Bukod sa iba naming mga pinsanin si Joanna lang talaga ang pinaka close kong pinsan. Dahil bukod sa mabait siya, makulit at madaldal din. Parang hindi nauubusan ng sasabihin kada minuto.

" It's nice to meet you all. Ano tara swimming na tayo?" aya ko sa kanila.

Nagsigawan naman sila at nagtalunan ang iba.

" Oo ba. Swimming na tayo!!! " sabay takbo ni James at Matthew sa dagat ng nakashorts lang dahil nagsihubaran na sila ng mga sando nila. Kaya naman natigilan at napanganga ang mga kababaihan dito sa Cottage namin.

'Mukhang hindi nila inaasahan ang nasilayan nila' natatawang usal ko sa isip ko

Medyo mainit na pero hindi alintana iyon ng mga taong lumalangoy sa dagat. Nagsunblock muna ako tsaka ako  sumunod na pumunta sa dagat.

Sumunod narin yung mga girls at agad silang pumunta nasa bandang dulo.  Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Matthew at may ibinulong na nakakaloka.

Matapos niya akong bulungan nagtinginan kami at sabay na napangisi kaming dalawa.

" Oy! May plano na naman kayo noh? Ikaw couz 'wag kang makikinig kay Matt baka kung ano ano na naman ang sabihin sa'yo niyan." sabi ni Joanna habang sumasay sa alon

My Boss Is My Future Husband ♥∞Donde viven las historias. Descúbrelo ahora