Chapter 8

669K 17K 5.2K
                                    

Chapter 8


Kung kanina ay nakahilera kami sa parlor ngayon naman ay puros nakahilera kami sa hospital bed. Like seriously?

Dumating na si Jare na may napakasama ng tingin sa akin. Hindi ako ang nagdadrive! Excuse me? 

Nagkamalay na ngayon si Aira, ang sabi daw ng doctor ay nabigla lang siya sa pangyayari. Wala naman daw masamang nangyari sa aming tatlo dahil puros galos lang naman.


"Troy thanks..mukhang may pupuntahan pa kayo. Pwede nyo na kaming iwan dito" hindi ako makatingin ng diretso sa babaeng kasama niya. Nahihiya ako sa kanila. Inabala pa namin sila.


"I can't, hihintayin ko munang dumating ang mga pinsan mo" sagot niya sa akin.


"I'm fine, miss yayain mo na si Troy masyado na namin kayong inaabala" bahagya ko ng masabi ito sa babaeng kasama ni Troy.

Ngumiti lang sa akin ang babae sa sinabi ko. Wala ba siyang gagawin? Dahil kung ako ang nasa katayuan niya, hindi ko gugustuhin na mag alala ang boyfriend ko sa ibang babae sa mismong harapan ko. Wala bang pakiramdam itong si Troy?


"Wala na bang masakit sayo Doll..?" napapikit na lang ako sa tanong sa akin ni Troy. Tinatawag pa rin niya akong Doll! Hindi ba siya nahihiya sa girlfriend niya?


"Okay na ako Troy.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Uhmm, Troy may phone call lang ako" nagpaalam sa kanya ang kasama niyang babae at tumango ito sa akin bago siya lumabas ng kwarto. 

Pagkalabas na pagkalabas ng babae ay binalingan ko si Troy Ferell.



"Habulin mo siya Troy" nangunot ang noo niya sa akin na parang hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Tsss, he's still a Shokoy. Hindi na siya nagbago.


"What?" naguguluhang tanong niya sa akin.


"Sabi ko habulin mo ang girlfriend mo, you're so insensitive" bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Sasagot pa sana sa akin si Troy nang biglang nabuksan ang pintuan.

Mabilis nakapunta sa kama ko ang kambal kong pamangkin kasunod nila si Gio at Kuya Nik.


"What the hell Florence?!" singhal sa akin ni Giovanno Javier Villacorta na kunot na kunot ang noo sa akin.


"Ano na naman ang ginawa mong kalokohan? Para ka pa talagang bata!" iyamot din na sabi sa akin ni Kuya Nik


"Mga Pre, una na ako sa inyo" biglang sabi ni Troy na nagsisimula ng maglakad palabas.


"Sige salamat Troy" sagot sa kanya ni Kuya Nik.


"Doll, sometimes cook for us again. I missed your foods" bahagya pa siyang kumaway sa akin bago siya lumabas ng kwarto.

Tumango na lang ako sa kanya kahit alam kong mukhang malayo ng mangyari ang sinasabi niya.


Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon